US pormal nang hiniling ang extradition ni Quiboloy

MANILA, Philippines — Pormal nang hiniling ng Estados Unidos ang extradition ng nakakulong na si KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy mula sa Pilipinas upang harapin nito ang child sex trafficking at racketeering charges.
Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the US na nakabase sa Washington, D.C., Jose Manuel “Babe” Romualdez na ipinadala na sa Department of Justice (DOJ) ng US government ang kahilingan na ma-extradite si Quiboloy.
Sa kasalukuyan, si Quiboloy ay nakapiit sa Pasig City Jail , sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology matapos maaresto noong Setyembre 8, 2024, sa Davao City kaugnay sa kasong qualified human trafficking.
Noong Nobyembre 10, 2021 nang isyuhan ng US federal warrant si Quiboloy dahil sa pagkakasangkot sa conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion at sex trafficking of children at iba pang kaso.
Inakusahan siya na may kinalaman sa labor trafficking scheme na nagdadala ng mga miyembro ng simbahan sa Estados Unidos sa pamamagitan ng ‘fraudulently obtained visas’, at pinilit ang mga miyembro na mag-solicit ng donasyon para sa isang pekeng charity, na ginagamit naman sa operasyon ng simbahan at marangyang pamumuhay ng mga lider o opisyal ng simbahan.
- Latest




















