Fans ni David, nasaktan sa sinabi ni Barbie!

Hindi talaga magkasundo ang solid fans nina Barbie Forteza at David Licauco at ang paulit-ulit na pinagtatalunan ng dalawang kampo ng fans ay kung sino ang mas sikat sa dalawa, sino ang mas maraming fans at kung sino ang mas marami ang endorsement.
Heto at nagkaroon na naman ng rason na magpuksaan ang fans nina Barbie at David dahil sa statement ni Barbie na “Khalil is the ideal leading man... Finally, nagkaroon na ‘ko ng leading man na maayos.”
Si Khalil Ramos ang leading man ni Barbie sa Regal Entertainment movie na Saving Cherry at kasama sa TV series na Honor Thy Mother. Walang binanggit na pangalan ang aktres sa naging leading man niyang hindi maayos, pero ang feeling ng fans ni David, ang aktor ang binanggit nito.
Nag-trending ang statement na ito ni Barbie at nagalit sa kanya ang fans ni David. Kung may isyu raw siya kay David, mali pa rin na sabihin niya ito. May nagsabi na walang respeto si Barbie sa past leading men niya at may naniwala na dapat finilter niya ang kanyang statement para walang nasaktan. May nag-akusa pa na yumabang si Barbie, nagkasunud-sunod lang daw ang project.
May mga pumabor sa statement ni Barbie, nagsabi lang daw ito ng totoo at may karapatan siyang magsalita dahil nakatrabaho niya ang mga nakapareha. Sa halip daw na i-bash si Barbie, payuhan nila si David na ‘wag mali-late sa kanyang mga appointment.
Mabuti na lang at walang project ngayon sina Barbie at David dahil kung nagkataon na may project sila, magkakailangan daw sila at baka magdedmahan. At least ngayon, kanya-kanya sila ng career at mag-away-away muna ang fans.
Heath, ipu-push ng GMA
Sunud-sunod ang projects ni Heath Jornales at parang tama ang tsika na siya ang next na ibi-build up ng Sparkle. Maggi-guest muna ang young actor sa Taskforce Firewall kung saan, isang special role ang gagampanan.
Mapapanood din siya sa Hari ng Tondo nina Ruru Madrid at Dennis Trillo at siguradong maganda rin ang kanyang role.
Nabalita rin na may gagawing pelikula si Heath kasama si Caprice Cayetano, bagay na ikinatuwa ng kanilang supporters.
Raymart, todo bonding kay Santino
Kakaiba ang bonding ng mag-amang Raymart at Santino Santiago dahil sa ilalim ng dagat sila pumupunta. Scuba diving ang isa sa bonding time ng mag-ama at comment ng netizens, nagkikita raw pala ang mga ito.
A few days ago, si Claudine Barretto ang nag-post ng Honors Certificate ni Santino at nagtapos ang panganay na nasa Honor Roll sa pinapasukang Brent International School.
Kaya lang 2024 pa ang Honors Certificate at may paliwanag si Claudine sa late post at hindi naman siguro dahil gustong sabayan ang post ni Raymart ng bonding nila ni Santino.
- Latest




















