^

Pang Movies

Mikoy at misis, nakalipat na ng bahay

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Mikoy at misis, nakalipat na ng bahay
Mikoy at Isa

Nakalipat na pala si Mikoy Morales at ang kanyang misis na si Isa Garcia-Morales sa bago nilang bahay.

Ipinasilip din ng comedian kung paano nila nahanap ang property at paano nila ito pinaganda para maging marital home nila. 

Ngayon, nagsisimula na silang gumawa ng magagandang alaala bilang mag-asawa – at malapit na rin bilang isang pamilya. 

Sinigurado rin ni Mikoy na maiparamdam ang pagmamahal at pasasalamat kay Isa na kamakailan lang ay nag-celebrate ng birthday. 

Nag-post ang isa sa bida ng Delivery Boi ng video sa Instagram na puno ng masasaya at sweet moments.

“Tuwing matutulog na ako, madalas tulog ka na at dito ko naiisip lahat ng ginagawa mo para sa atin. From the everyday things you do, to the amount of self you give for our life together – I am reminded on a nightly basis that I am living the life that was once, just a dream. You are worth celebrating sa bawat pagtulog at pinagpapasalamatan sa bawat pag gising,” caption ni Mikoy.

Sam Smith, pakakasal na sa designer

Magpapakasal na ang English singer and songwriter na si Sam Smith sa fashion designer na si Christian Cowan.

Sa isang panayam sa The New York Times, kinumpirma ng Grammy and Oscar winner ang kanilang engagement. 

Ibinahagi rin ni Smith na ang pamagat ng kanyang bagong album na Hazel Eyes ay inspirasyon mula sa kulay ng mga mata ng kanyang fiancé.

Tinalakay rin niya ang relasyon nila sa unang track na Everlasting Love, na sinimulan nilang isulat bago pa ang kanilang unang date. 

Magta-tatlong taon na ang kanilang relasyon, at nakatakdang ilabas ang bagong album ni Sam sa Aug. 21.

Pinasikat ni Sam ang mga kantang Stay With Me, Too Good at Goodbyes, I’m Not The Only One, Lay Me Down, Unholy at ang Oscar-winning song na Writing’s on the Wall from the James Bond movie, Spectre.

MIKOY MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with