Mas may oras para sa motor
Dear Dr. Love,
Ako po si Elena. Isa po akong maybahay na araw-araw ay nagbibilang ng bawat pisong pumapasok at lumalabas sa aming tahanan. Hindi naman kalakihan ang kinikita ng mister ko kaya sinisikap kong pagkasyahin ang budget para sa pagkain, kuryente, tubig, at baon ng mga anak.
Pero simula nang magkaroon siya ng motorsiklo, parang nadagdagan din ang aming buwanang obligasyon. Hindi lang pala hulog ang iisipin—may gasolina, maintenance, change oil, gulong, at kung anu-ano pang biglaang gastos. Kapag may nasisira, kailangan agad ipaayos kahit minsan ay kapos na kami.
Hindi ko naman ipinagkakait sa kanya ang saya at ginhawang dala ng motor. Alam kong malaking tulong ito sa pagpasok niya sa trabaho. Ang masakit lang, kapag kulang na ang budget sa bahay, ako ang naghahanap ng paraan kung paano maitatawid ang natitirang mga araw bago sumahod.
Minsan naiisip ko, parang mas napaglalaanan pa ng oras at pera ang motor kaysa sa pangangailangan ng pamilya.
Mali ba akong hili-ngin na sana, bago gumastos para sa motor, unahin muna namin ang laman ng hapag at ang kinabukasan ng mga anak?
Elena
Dear Elena,
Hindi ka mali. Ang motorsiklo ay maaa-ring maging malaking tulong sa paghahanapbuhay, pero hindi ito dapat maging dahilan para mabawasan ang seguridad ng pamilya.
Maupo kayong mag-asawa at pag-usapan ito. Tandaan ninyo, ang sasakyan ay napapalitan, ngunit ang tiwala at kapaya-paan sa loob ng ta-hanan ay mahirap ibalik kapag napabayaan.
Ang mabuting pagpaplano ng gastusin ay tanda ng pagmamahal at pananagutan sa pamilya.
DR. LOVE
- Latest
















