Vice, nakapagpahinga!

Nakapag-relax umano si Vice Ganda sa Vietnam ayon sa isang ilang taong malapit sa Unkabogable Star.
Almost a week nang walang paramdam si Vice sa It’s Showtime.
Ito ay matapos na ipatawag ang mga executive ng noontime show ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa diskusyon sa ‘racism’ at ‘lugaw’ scene.
Ayon sa source, pahinga na rin daw ni Vice ang trip to Vietnam na ito.
Tho depensa naman ng ibang malapit sa kanya, matagal na itong planado.
Anyway, hindi pa rin maka-move on ang ibang fans ni Vice dahil nga diumano’y alam nga nila kung sino ang nag-mass report sa MTRCB kaya ito ipinatawag.
Maaalalang inireklamo raw ng mga concerned citizen ang diumano’y racist at colorist na pahayag ni Vice Ganda at ang lugaw nila ng karelasyong si Ion Perez sa episode nito noong Hulyo 24, 2026.
- Latest



















