^

PSN Showbiz

Showtime hosts nagkakagulo, ratings hindi apektado!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Showtime hosts nagkakagulo, ratings hindi apektado!
It’s Showtime hosts
STAR / File

Nalalait ng ilang netizens ang paiba-ibang line-up ng hosts sa It’s Showtime dahil wala si Vice Ganda.

Maganda talaga ang line-up ng hosts sa malalaki nilang segment kapag nandiyan si Vice Ganda, kasama sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

At mas riot pa kapag nandiyan si Anne Curtis at kasama pa si Kim Chiu.

Lately, paiba-iba ang mga nakatayong hosts at okay naman nung sina MC Muah, Lassy Marquez, Vhong at Jhong.

Pero nung kamakalawa lang ay may ilang netizens na nanlait dahil hindi nila nagustuhan ang pagsali ni Negi, at wala rin si Vhong.

Kaya medyo magulo kapag hindi talaga ‘yung regular hosts ang nakatayo sa isang daily show.

Meron pa silang ginawang sketch nung Sabado na tipong continuation sa ginagawa nilang Memerimar, pero wala si Vice at si Vhong lang ang isinalang na napakahaba ng ginawa niya.

Ang corny ng pagkagawa at kitang-kitang nahihirapan din si Vhong.

Wala pang latest update sa kasong ito ng It’s Showtime kaya wala pa rin si Vice Ganda.

Pero hindi naman naapektuhan ang ratings nito.

Hindi naman nabawasan ang viewership, at ganun pa rin ang ratings.

Noong Biyernes, July 31, ay naka-5.1 percent ito at ang Eat Bulaga ay 3.1 percent.

Noong Sabado, Aug. 1, ay 5 percent naman ang It’s Showtime at medyo tumaas ang Eat Bulaga na 3.7 percent dahil sa sinelebrayt nila ang kanilang 47th anniversary.

Noong Lunes, Aug. 3, naman ay 5 percent uli ang It’s Showtime at ang Eat Bulaga ay 3 percent.

Noong Martes, Aug. 4, na nalait pa si Negi ay tumaas pa ang viewers na naka-5.5 percent, at ang Eat Bulaga ay 3.2 percent.

So ganun pa rin ang viewers nila na tila nakaugalian na silang panoorin araw-araw.

Beaver interesado, Pokwang mina-manifest na mag-best actress!

Nung nakatsikahan ko si Beaver Magtalas sa mediacon ng Kaka Sa Yawan, sinabi niyang hindi lang daw sa Cinemalaya entry nilang ito ni Direk Alpha Habon siya nae-excite kundi pati na rin sa ibang entries.

Iba raw ang pakiramdam niya nang dumalo siya sa press conference ng Cinemalaya noong July 8 nang makita niya ang trailer ng lahat na entries at nandun pa raw ang mga magagaling na artistang kalahok. “Masaya po ako to see them,” bulalas niya.

“I wish, I got to spend more time with them and able to talk to them nga po. Pero, ang naramdaman ko po kasi talaga… parang my entire focus po was the film itself. Parang, ‘oh I wanna watch this. Gusto ko mapanood ito. Ay ang ganda nito! Ay eto, kailangan ko mapanood ito.

“Ganun ang naramdaman ko. Kasi parang, as an actor po, ‘yun po ‘yung parang tumatak po sa akin – the characters that we played as actors. So parang ang interesting ng character nila rito. I wanna see this,” dagdag niyang pahayag.

Ang pelikula nilang Kaka Sa Yawan ang isa sa unang mag-gala sa Aug. 7 ng 8:30 ng gabi.

Pero bukod sa kanilang pelikula, tinanong ko si Beaver kung ano pa ang gusto niya talagang panoorin.

Ang bilis ng sagot niyang 2 Valid IDs ni Direk Ma-an Asuncion-Dagñalan na pinagbidahan ni Pokwang. “Very excited po ako sa 2 Valid IDs. Pero po ‘yung documentary na… kasi very trending po si Chris Brown na Fusion Alley ‘di ba?

“So, very interested po ako sa documentary na short film po na ‘yun. I’m not sure po sa kabuuan niya. Pero it’s something na I wanna see kasi… well, siyempre na-hype din po kasi ako sa trend na ‘yun,” sabi pa ni Beaver.

Sa totoo lang, marami rin ang interesado sa 2 Valid IDs ni Pokwang na bale pangalawang Cinemalaya entry na niya ito. Maganda rin ‘yung una niyang ginawang Mercury Is Mine ni Direk Jason Paul Laxamana.

Pero sa entry niya ngayong taon ay naiiba rin at puwede niya talagang panlaban sa Best Actress.

“Sana po, Lord Jesus, Lord. Sana ibigay! Pero lahat kasi, magaganda. Kung sino man ‘yung manalo, deserved naman talaga.

“Ang ganda kasi lahat. Kita mo naman, e, ‘di ba? Congrats to everybody and good luck!” sabi pa ng magaling ding aktres.

Ang mga posibleng makakatunggali ni Pokwang sa pagka-best actress ay sina Ruby Ruiz ng Status: Rejected, Janine Gutierrez ng Mag-iina, at Maxine Ignacio ng A.Ni.Mal.

Hindi pa namin mawari kung pam-best actress o pam-best supporting actress ba sina Chai Fonacier ng Tirik, at Iza Calzado ng Hand of God.

Sa Agosto 17, Lunes, ang STRICTLY INVITATIONAL awards night ng Cinemalaya 2026 sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza.

IT’S SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with