^

Police Metro

Mag-utol dedbol sa tipak ng mga bato

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi isang magkapatid nang mabagsakan ng mga tipak ng bato ang kanilang kubo habang nagluluto ng pananghalian sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal, kahapon.

Ang magkapatid ay 22-anyos na babae at 23-anyos na lalaki na agad nasawi dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Kinumpirma ng Rodriguez Municipal Police Station, na alas-12:10 ng tanghali nang rumagasa ang mga malalaking bato at nabagsakan ang bahay ng magkapatid na nasa Sitio Wawa na nasa paanan ng bundok.

Patuloy ang imbestigasyon at assessment sa lugar upang matukoy kung hindi na dapat pang may mga residenteng nakatira sa lugar dahil sa posibleng magkaroon ng muling pagguho lalo ngayon panahon ng tag-ulan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with