^

PM Sports

Alex, Venus tandem ulit sa doubles

Chris Co - Pang-masa
Alex, Venus tandem ulit sa doubles
Muling magsasama sina Venus Williams at Alex Eala sa doubles ng National Bank Open.

MANILA, Philippines — Muling magtatambal sina reigning Mubadala DC Open champion Alex Eala at legendary tennis player Venus Williams ng Amerika.

Pormal nang inihayag ng mga organizers na magpapares sina Eala at Williams sa doubles ng National Bank Open sa Toronto, Canada.

Nabiyayaan sina Eala at Williams ng wild card entry sa doubles event.

Kaya naman excited na ang lahat na muling makita na maglaro sina Eala at Williams sa doubles.

Makakasagupa nina Eala at Williams sa ope­ning round sina Miyu Kato ng Japan at Liudmila Samsonova ng Russia sa Biyernes (oras sa Maynila).

Ito ang ikalawang pagkakataon na magtatambal sina Eala at Williams sa doubles.

Una na noong Hunyo sa Bad Homburg sa Germany kung saan nakaabot ang dalawa sa quarterfinals.

Naputol ang ratsada nina Eala at Williams matapos lumasap ng 3-6, 2-6 kabiguan kina Olivia Nichols ng Great Britain at Tereza Mihalikova ng Slovakia.

Magsasama sana sina Eala at Williams sa doubles ng Mubadala DC Open.

Subalit nagpasya si Eala na mag-withdraw sa doubles dahil hindi pa ito 100 porsiyento noon at para maisentro ang kanyang atensiyon sa singles.

Nagbunga ang desis­yon ni Eala na lumiban sa doubles dahil nagkampeon ito sa singles matapos patumbahin si Jessica Pegula ng Amerika.

Bago ang doubles, se­sentro muna ang atensiyon ni Eala sa singles ng National Bank Open laban kay Alycia Parks.

 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with