^

PM Sports

Eala sasabak agad vs Parks sa Toronto

Chris Co - Pang-masa
Eala sasabak agad vs Parks sa Toronto
Alex Eala

MANILA, Philippines — Walang pahinga si Alex Eala dahil diretso agad ito sa WTA 1000 National Bank Open sa Sobeys Stadium Centre Court sa Toronto.

Nabiyayaan ang No. 25 seed na si Eala ng ope­ning round bye kung saan haharapin nito sa second round si Alycia Parks ng Amerika sa alas- 8 ng umaga (oras sa Maynila).

Nakapasok si Parks sa second round matapos magtala ng 6-4 panalo kay Victoria Jiménez Kasin­tseva sa kanilang first-round match.

Target ni Eala na maresbakan si Parks na tumalo sa kanya sa ope­ning round ng Australian Open, 6-0, 3-6, 2-6, noong Enero.

Malaki na ang itinaas ng laro ni Eala na sariwa pa sa matamis na kampeonato sa Mubadala D.C. Open sa Washington D.C.

Aminado si Eala na nasa alapaap pa ito matapos makamit ang kanyang kauna-unahang WTA Tour title.

Subalit kailangan na agad nitong magmove on upang pagtuunan ng pansin ang kanyang susunod na laban.

“I do understand that I’m playing another match tomorrow, so all my attention is going to be on that. You know, I’m slowly transitioning. I have a day to transition and I have I guess all my life to ce­lebrate my first WTA title,” ani Eala.

Excited na si Eala na maglaro sa harap ng mga kababayan nito sa Toronto.

Ayon sa mga organi­zers, soldout ang tiket sa laban nina Eala at Parks.

“I’ve been told that it’s going to be a full house tomorrow. So, I’m really very excited to see and it’s nice to see that the Filipino community is really showing up and they’re enjoying tennis,” ani Eala.

Kung papasok si Eala sa third round, posible nitong makaharap si reigning Wimbledon champion at world No. 7 Linda Noskova ng Czech Republic.

Si Noskova ang tumalo kay Eala sa Round of 16 sa Indian Wells sa Amerika at sa semis ng Berlin Open sa Germany.

Makakalaban ni Noskova sa second round si Caty McNally. 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with