^

Probinsiya

Magkapatid todas sa tipak ng bato!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid todas sa tipak ng bato!
Map of Rizal with Rodriguez highlighted
Wikipedia / Eugene Alvin Villar

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na babae at lalaki nang mabagsakan ng mga tipak ng bato ang kanilang kubo sa gitna ng kanilang pagluluto ng pananghalian sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal, nitong Miyerkules.

Ayon sa ulat, ang magkapatid na isang 22-anyos na babae at 23-anyos na lalaki, na kagyat na nasawi dahil sa mga tinamong pinsala.

Kinumpirma ni Rodriguez Municipal Police Station chief, Police Lieutenant Colonel Arwyn Gaffud, na tanghali nang rumagasa ang mga bato at dirtesong mabagsakan ang bahay na tindahan din ng pamilya ng mga biktima.

May kalakihang mga bato umano ang bumag­sak na ikinasawi ng dalawang biktima alas-12:10 ng tanghali sa Sitio Wawa na isang isolated umanong lugar o malayo sa nakararaming kabahayan sa paanan ng bundok.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at assessment sa lugar upang matukoy kung hindi na dapat pang tumira ang residente sa naturang lugar na posib­leng maging biktima ng muling pagguho ng lupa dahil sa patuloy na mga pag-ulan at bagyo.

RIZAL

RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with