Mga paborito kong kaibigang direktor
Mahigit isang dekada na nang mapasama ako sa grupo ng mga direktor na sina Paolo Bustamante, Rich Ilustre at Joey Reyes. (kahit hindi ako direktora!)
Si Paolo ay direktor ng mga concert at events. (madalas direktor ni Ogie Alacasid) si Rich ay direktor ng tv programs at corporate shows (favorite ng mga brands!) si Direk Joey (‘yan tawag ko syempre!) ay haligi na ng showbiz industry (iconic na yan ha!) at kasalukuyang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP. (sya ang may sinasabi sa lipunan!)
Magkakilala na silang tatlo bago ko pa sila nakatrabaho. (so ‘di pwede mag-feeling close agad sa kanila!)
Sa programang Talentadong Pinoy ng TV5 kami nagkatagpo tagpo. (hosted by Ryan Agoncillo na crush ko pero naging kapatid ko kay Talent Manager Noel Ferrer!)
Si Paolo ang head writer, si Rich ang direktor, at si Direk Joey ay nakakasama ko bilang kami ang mga hurado o talent scouts ng programa. (mga mapanuring judges!)
Pero una ko talagang nakikilala si Direk nung reporter pa ako at sumampa ako sa float ng pelikula nyang Spirit of the Glass sa isang MMFF parade. (naloka sya nung bigla akong umappear dun para interviewhin sya!)
May mga ilang shows pa kaming pinagsamahan noon, (bilang namumutaktak pa ang mga shows noon sa TV5!) kaya siguro winelcome na nila ako sa grupo nila. (o baka wala silang choice bilang lagi akong pakalat kalat!) Thank you naman sa kanila kasi feeling ko, tumaas ang premium ko nung maging friends ko sila! (parang lumevel up ako, ganyan!)
Naging regular ang mga pagkikita namin sa bahay ni Paolo noon ‘pag wala kaming taping. (laging may pa-piging!) Nakakasama rin namin sina Tyang Amy Perez, Mayora Lucy Torres at ibang mga kaibigan sa production staff. (gabi hanggang hatinggabi ang hanashan!)
Pero kaming apat talaga ‘yung matatag na nagkikita kita. (at tinawag kong crazy rich... ilustre! ang aming grupo!)
Lalo pang naging mas madalas ang dinner namin nang buksan ni Paolo ang kanyang Five Private Dining sa Greenhills. (ang sarap ng mga luto ni Master Paolo! Pa-reserve kayo! as in! )
Dito talaga kami nakakapagkwentuhan at nag-ookrayan na walang ibang makakarinig! (bilang private dining nga!)
Napag-uusapan ang mga showbiz updates at kung anu ano pang topics. (unedited! no filter!) Siguradong aabot ng million views kung i-live stream namin ang usapan namin dito. (afraid lang ha!)
Naisip na namin noon na gumawa ng podcast, pero hindi matuloy-tuloy. (ako ata ang may attitude?!)
Pero masaya na kami ng ganyan, walang camera at walang nagre-record ng usapan. (pero nag-iingat sila sa’kin kasi baka i-blind item ko sa mga shows ko!) Kung matuloy man ang show, e di go! (basta may tf ha!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest




















