3 pang batalyon ng Army idineploy sa BARMM elections
MANILA, Philippines — Upang matiyak na iiral ang mapayapa at tahimik na halalan sa kauna-unahang Parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na Setyembre 14 ng taong ito ay tatlo pang karagdagang batalyon ang idineploy ng Philippine Army.
Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Louie Dema-ala na maliban pa sa tropa ng Army’s 6th Infantry Division na nakabase sa Maguindanao del Norte, 1st Infantry Division (Zamboanga del Sur) at 11th Infantry Division (ID) na nakabase naman sa Sulu.
Inihayag ni Dema-ala na ang karagdagang idineploy na mga sundalo ay nasa 1,500 o tig 500 ang bawat batalyon bukod pa sa ipinadalang joint operations team mula sa AFP sa Camp Aguinaldo.
Una nang tinukoy na ang lalawigan ng Basilan ay isa sa mga posibleng hotspots sa BARMM parliamentary polls.
- Latest



















