^

Probinsiya

3 todas sa engkuwentro sa Abra

Victor Martin, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 todas sa engkuwentro sa Abra
Sa report na nakara­ting sa tanggapan ni Major General Gulliver Señires, Commander ng 5th Infantry “Star” Division na nakabase sa Gamu, Isa­bela, nasa 10 na miyembro ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) ang nakasagupa ng mga tauhan ng 50th Infantry (Defender) Battalion at 98th Infantry (Masinag) Battalion sa lugar dakong alas-11:10 ng umaga.
Interaksyon / File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong mi­yembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos ang madugong engkuwentro laban sa tropa ng militar sa Bara­ngay Bonglo, Licuan-Baay, Abra, kahapon ng umaga.

Sa report na nakara­ting sa tanggapan ni Major General Gulliver Señires, Commander ng 5th Infantry “Star” Division na nakabase sa Gamu, Isa­bela, nasa 10 na miyembro ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) ang nakasagupa ng mga tauhan ng 50th Infantry (Defender) Battalion at 98th Infantry (Masinag) Battalion sa lugar dakong alas-11:10 ng umaga.

Base sa ulat ng militar, ito na ang ika-apat na sagupaan na nangyari sa pagitan ng mga natitirang rebelde at tropa ng gob­yerno sa lugar.

Maliban sa tatlong bangkay ng mga rebelde ay nakuha rin ng mga sundalo sa encounter site ang 2 M16 rifles, at isang M14 rifle ng mga rebelde.

Bunsod nito, patuloy ang panawagan ni Señires sa mga natitirang mga rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan at yakapin ang kapayapaan na ina­alay ng gobyerno para makapamuhay ng tahimik kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with