^

PM Sports

Kargado! biyahe!

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Mahirap patunayan pero dekada nang pinag-uusapan ang game-fixing sa Philippine basketball – collegiate man o pro league.

At kung umiiral nga ang ganitong kalakaran o kung may teams/players na nagagapang ng mga galamay ng game-fixers, unfair sa mga fans na humuhugot ng pinag­pagurang pera para makapanood ng magandang laro. Pero ang mapapanood pala eh players na ayaw manalo.

Napukaw ang isipan ng isa kong kumpare ng marinig niya ang putok na balitang “alleged biyaheng laro” sa community-based pro league.

“Kaya naman pala madami akong nakita nang kamangha-manghang galawan sa basketball, may biyahehan pala,” ani Pareng Kandong.

Isang araw, maaga niya akong ginising ng phone call dahil kapapanood lang daw niya ng kaduda-dudang biyaheng laro.

“Galing sa explosive game, tapos biglang hindi na makaiskor. Ang siste pa, dikit ang endgame, pero ang mga pasa niya eh puro patapon. Nakatungtong sa free throw line para selyuhan ang panalo, pero parehong baldog ang free throw. Dying seconds at dedepensa na lang ng maayos, eh nagbigay ng foul at ng dalawang free throws sa kalaban. Demonyong laro iyan, bwiset!!!”

Ito ang paglalahad ni Pareng Kandong.

At sabi niya maraming kaparehong pangyayari na ang kanyang napanood. Kaya naman kumbinsido siya: “May laglagan nga pala ng laro. May kargado, game-fixing, point-shaving o kung ano mang katarantaduhan iyan,” aniya.

“Imagine smart player, biglang nagiging tanga sa laro. Explosive scorer, biglang hindi maka-shoot ng layup. Salamabit,” dagdag ni Pareng Kandong.

BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with