^

Probinsiya

1,208 timbog, P29.5 milyong droga samsam

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
1,208 timbog, P29.5 milyong droga samsam
Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-4A sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Director PBrig. Gen Dominic L. Baccay, isinagawa ang may 942 anti-illegal drug operations ng Hulyo 1 dakong alas-6:00 ng umaga at tuluy-tuloy ito sa araw-araw hanggang sa katapusan ng Hulyo 31, 2026.
STAR/File

1-buwang drug ops sa Calabarzon

CAVITE, Philippines — Nasa 1,208 drug suspects ang naaresto habang nasa P29.5 milyong halaga ng mga ilegal na droga ang nasamsam sa isang buwang drug operation ng pulisya sa Calabarzon.  

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-4A sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Director PBrig. Gen Dominic L. Baccay, isinagawa ang may 942 anti-illegal drug operations ng Hulyo 1 dakong alas-6:00 ng umaga at tuluy-tuloy ito sa araw-araw hanggang sa katapusan ng Hulyo 31, 2026.

Sa isang buwang operasyon ng kapulisan, nakumpiska ang may 4,333.59 gramo ng shabu, 245.58 gramo ng ma­rijuana at 43.46 gramo ng marijuana kush sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Base sa pamantayan ng Dangerous Drugs Board (DDB), ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na kontrabando ay umabot sa P29,563,092.

Isinagawa ang mga operasyon sa pamamagitan ng intelligence-driven law enforcement sa ilalim ng B.E.S.T. o Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, Transform Trust sa ilalim ng pamumuno ni PB Gen. Baccay. Alinsunod ito sa Focused Agenda ni PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., na naglalayong paigtingin ang ­kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng sustenidong intelligence-driven operations.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with