Young actor na si Bryce, proud a’tin, coconian!

Certified A’tin ang batang aktor na si Bryce Nicolo Mercader kaya’t kabilang siya SB19 fans na nagdiwang sa historic performance ng grupo sa katatapos na Lollapalooza Music Festival sa Chicago, USA.
At bilang patunay na A’tin siya, humataw ang nine-year-old showbiz newbie sa medley ng SB19 hits tulad ng Dungka! at Visa sa ginanap na presscon ng Cinemalaya debut movie niyang Kaka sa Yawan (Brothers by the River) last week.
At in all fairness, all-rounder performer si Nicolo dahil hindi lang siya umaarte, sumasayaw, at kumakanta rin. Na natutunan daw niya sa kanyang coaches.
Kwento ni Nicolo, nagsimula siyang mag-dance workshop sa edad na three o four. Seven years old naman daw siya natutong kumanta at umarte.
At aminado siya na super idolo niya si Coco Martin na malapit sa bahay nila sa Tondo ang taping sa bago nitong action seryeng Coco Martin’s Sigabo.
Gaya ni Coco, pangarap din daw ni Nicolo na maging action star paglaki niya. “Gusto ko po talaga siya (Coco) so bad na gusto kong maka-picture po (kasama siya). Gusto ko rin po makasama siya sa trabaho. Gusto ko po talaga sumali sa taping o shooting po niya kasi po maangas po siya saka sobrang guwapo at pogi, mabait po,” nakakatawang kuwento ni Nicolo.
Habang sa mga babaeng artista, si Kathryn Bernardo naman ang bet niyang ma-meet, maganda raw kasi ang bida ng Someday, Someone, saka ang husay daw umarte.
Anyway, ginagampanan ni Nicolo sa Kaka sa Yawan (Brothers by the River) ang papel ng batang Niko, lead character sa pelikula, habang si Beaver Magtalas naman ang magiging adult version nito.
Umiikot ang kwento ng coming-of-age movie sa magkaibigang Niko at Tadyawan-Mangyan na si Ayan (Dennis Dato), na nangakong magkikita ulit after 10 years.
Kahit first full-length project pa lang ito ni Nicolo, puring-puri na siya ni Direk Alpha Habon sa ipinakitang husay sa pag-arte.
Anang direktor, “Silent killer. Mukhang tahimik, pero pag umakting, sobrang tindi. When it is on, it is on. It’s his first film but he has done commercials and other programs.”
Bago ang Cinemalaya entry, nakilala ang batang aktor sa online comedy series na Laughs with Bryce. Isa rin siya sa lead vocalists ng Paglalapitin ng Pasko, isang Christmas song na prinodyus ng Bryce Entertainment Productions, at naging regional finalist ng SM Little Stars 2024.
Mapapanood ang Kaka sa Yawan (Brothers by the River) mula August 7 hanggang 16 sa ilang piling sinehan.
Kasama rin sa cast sina Nikki Valdez, Luis Alandy, Queenay Mercado, Karl Medina at Noelle Polack mula sa Bryce Entertainment Production at IGMM Film Productions.
- Latest





















