^

Bansa

NLAP pumalag sa mabilisang aprub sa Guidelines ng LPG Swapping Center

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng National LPG Alliance of the Philippines Inc. (NLAP) na hindi dapat magmadali, sundin ang wastong proseso at kumonsulta sa mga sector sa pag-apruba ng guidelines sa liquified petroleum gas (LPG) Swapping Center.

Giit ni NLP President Jose “Jojo” B. Cruz III: “Illegal ang tila paspasang pagpapa-apruba sa mga alituntunin ng LPG Swapping Centers at hindi naaayon sa interest ng LPG end-consumers.”

Aniya, sa isinagawang pagpupulong noong Hulyo 30, 2026 sa Department of Energy (DOE), kasama ang National Program Policy Task Force (NPPTF) at resource persons mula sa iba’t ibang DOE-recognized Liquefied Petroleum Gas (LPG) Associations, tinalakay ni Atty. Rino E. Abad, Director ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE ang pinakabagong draft ng Guidelines for the Establishment and Operations of LPG Cylinder Swapping Centers at ang timeline para sa pag-apruba nito.

Sinabi ni Abad na hindi na kailangang kunsultahin ang 10 gSectoral Chairs ng pitong  Administrative Regions sa ilalim ng Regional Program Implementation Task Forces (RPITFs).

Ani NLAP Pres. Cruz, sang-ayon din ang mga kinatawan ng Liquefied Petroleum Gas Refillers Association (LPGRA) at Integrated LPG Distributors of the Philippines (ILDP), na dapat munang kunsultahin ng pitong  RPITFs ang kani-kanilang sampung  Sectoral Chairs bago tuluyang aprubahan.

Sa ilalim ng DOE at Department of Trade and Industry (DOE-DTI) Joint Department Circular No. JDC2022-11-0002 na may pamagat na “LPG Cylinder Exchange, Swapping and Improvement Program and Its Implementing Guidelines,” kinakailangang magkaroon ng kunsultasyon, pagboto, at kolektibong pagpapasya ang mga RPITFs, na siyang dapat irekomenda ng mga RPITF Chairs sa NPPTF.

Noong Hunyo 11, 2026, bumuo ang NPPTF ng isang Technical Working Group (TWG) upang gawin ang guidelines para sa pagtatatag at operasyon ng mga LPG Swapping Centers. Binigyang diin sa TWG na dapat magkaayon (aligned) ang Sections 31 at 32 ng RA No. 11592.

Nilayon ng Kongreso na magkaayon ang dalawang probisyong ito upang matiyak ang proteksyon ng LPG end-consumers, kalidad ng produkto, at kaligtasan ng publiko. Ayon sa kanila, hindi maaaring maipatupad nang magkahiwalay ang LPG Exchange and Swapping Program at ang LPG Cylinder Improvement Program.

Dahil dito, naninindigan ang NLAP na dapat unahin ang interes ng mga LPG end-consumers sa pamamagitan ng pagkonsulta muna sa mga Sectoral Chairs ng RPITFs bago aprubahan ang guidelines para sa LPG Swapping Center.

“No need to rush. Daanan natin ang tamang proseso, at huwag nating kalimutan na ang pinaka-importante rito ay ang mga LPG end-consumers na hindi ma-kompromiso ang kanilang kaligtasan,” pagtatapos ni Cruz.

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with