Harvey Bautista, nagpa-impress sa drug war

MANILA, Philippines — Napanood na namin ang Episode 1 ng Drug War: A Conspiracy of Silence, kung saan bida ang mahusay na young actor na si Harvey Bautista, bunso nina dating Quezon City mayor Herbert Bautista at negosyanteng si Tates Gana.
Sa official YouTube channel ng Rein Entertainment, mapapanood ang six-episode series na ito na dinirek ni Shugo Praico (Bagman, Nananahimik ang Gabi) at halos iisa ang comments ng mga nakapanood – intense raw, first episode palang.
Lutang na lutang ang husay ni Harvey bilang anak na namatayan ng ama dahil sa operation Tokhang. Ramdam na ramdam namin ang guilt at pighati niya sa tuwing nakikita niya ang pinaslang na imahe ng ama (played by Romnick Sarmenta). Nakakadala.
Mukhang hahakot siya ng acting nominations, kung hindi man awards, sa susunod na awards’ season.
In fact, maski ang prestihiyosong Rolling Stone Philippines ay napabilib ni Harvey. Ani Rolling Stone: “What anchors Drug War and the necessary story it’s trying to tell is its talented ensemble cast. Bautista brings levity to his portrayal of Kiko, elevating the character from a person struggling with addiction to a nuanced take on self-forgiveness.”
Nang minsang makatsikahan namin ang nanay ni Harvey na si Tates Gana, kinilig ito nang harapan naming purihin ang bagets niyang anak na pasayaw-sayaw lang noon sa debut ng kanyang ate at pasaling-kit sa Goin’ Bulilit, ngayon ay isa nang mahusay na aktor.
Sabi pa namin, nakikita namin ang multi-awarded young actor ding si Elijah Canlas kay Harvey. Tila pareho kasi ang path na tinatahak ni Harvey sa naging path ni Elijah sa showbiz. Pareho silang hindi natali sa loveteam phase bagkus ay kapwa napasabak agad sa mga malalalim at makabuluhang proyekto, kung saan mas nahahasa pa ang kanilang acting skills.
At ayon kay Tates, idol nga raw ni Harvey ang kuya at kaibigan niyang si Elijah. At tama raw ang aming obserbasyon na ang pagiging serious actor ang talagang tina-target ng kanyang bunso. In fairness, napapangatawanan.
- Latest






















