Higit 300 pasahero sa Bicol stranded kay ‘Luis’

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot na sa 356 pasahero ang stranded sa dalawang pantalan sa Bicol dahil sa sama ng panahon sanhi ng tropical depression “Luis”.
Ayon kay Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense 5, dahil sa masamang lagay ng panahon at inaasahang malalakas na alon sa gitna ng karagatan ay pinigilan na ng Philippine Coast Guard (PCG) District Bicol ang paglalayag ng limang barko dahilan para ma-stranded ang 350 pasahero, at 30 rolling cargoes sa Tabaco City Port na patawid sana ng Catanduanes habang anim na pasahero rin at 33 na rolling cargoes ang stranded sa Virac na patawid ng Albay.
Agad itinaas mula kahapon ni PCG-District Bicol commander Commodore Rolando Lorenzana sa heightened alert ang kanilang puwersa sa buong rehiyon lalo na sa lahat ng pantalan habang nasa 548 ang mga personnel na naka-standby sa anumang pagresponde.
Sa atas naman ni PRO5 regional director Brig. Gen. Erosito Miranda ay gumamit na ng megaphone ang mga pulis sa iba’t ibang lugar sa rehiyon upang balaan ang mga residente sa mga baybayin at bahaing lugar, landslide at prone areas na mag-ingat.
- Latest






















