2 mangingisda utas sa gamit na eksplosibo, 1 pa grabe
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang pasaway na mangingisda habang isa ang kritikal nang biglang sumambulat nang wala sa oras ang kanilang dalang improvised na eksplosibo na kanilang gamit sa ilegal na pangingisda sa karagatang sakop ng Pangasinan nitong Sabado ng hapon.
Sa ulat ng Pangasinan Provincial Police Office, ang mga biktima ay pawang residente ng lalawigan ng Zambales.
Base sa imbestigasyon, kasalukuyang abala sa pamamalakaya ang grupo ng mga mangingisda sa bahagi ng karagatan ng bayan ng Dasol nang mangyari ang insidente.
Isang malakas na pagsabog ang narinig sa lugar at natanaw ang tatlong mangingisda na sumambulat at nahulog sa dagat mula sa kanilang mga bangka.
Agad namang sumaklolo ang mga miyembro ng Dasol Emergency Response Team at ang Dasol MPS at mabilis na isinugod ang mga mangingisdang biktima sa Dasol Community Hospital para malapatan ng pangunahing lunas.
Gayunman, dead-on-arrival na ang dalawa habang nasa malubhang kalagayan ang isa pang kasama.
- Latest





















