Solid fans ni Kim, malungkot!

Nakakalungkot din na pusong bato na si Kim Chiu sa ate niyang si Lakambini.
Ito ang sentimyento ng ibang solid fans noon ni Kim na naging kaibigan na rin ng kapatid niyang idinemanda.
Si Lakambini raw ang laging pumoprotekta noon kay Kim ayon sa ilang solid fan ni Kim na gusto nang bumitiw dahil sa sobrang lungkot sa nangyari sa magkapatid.
Dagdag pa ng ibang fans ni Kim, sana raw ay pag-usapan na lang nila ang lahat.
Kasi ang pera naman daw kung totoong may malaking perang involved sa nasabing kaso, kikitain naman daw ‘yun ni Kim dahil sa rami ng trabaho niya.
Pero ‘yun daw nararamdaman ng kanyang ate, sana raw ay kinonsider din ng actress/TV host.
Well, may point naman ang ibang fans ni Kim.
- Latest
























