^

PSN Showbiz

Mimiyuuuh, napagod sa mga lalaki

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mimiyuuuh, napagod sa mga lalaki
Mimiyuuuh.
STAR/ File

Isa si Mimiyuuuh sa mga pinakasikat na vlogger sa bansa. Kahit nakikilala bilang fashionista sa social media ay hindi naman daw nangangahulugang mamahalin palagi ang kanyang mga damit.

“Sa totoo lang po talaga, hindi po talaga kailangang sobrang mahal for you to be fashionista. No’ng nag-start po ako talagang mahilig akong mag-ukay. Ang dami ko pong kakilala na ang gandang manamit pero puro ukay talaga. So, I feel like hindi mo talaga kailangan ng mga mamahaling bagay for you to be fashionable. You can buy all the luxurious stuff in the world pero when you wear it, baduy pa rin. You can’t really buy style,” pagbabahagi sa amin ni Mimiyuuuh sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mayroong mga nagsasabi na tinalikuran na umano ng social media influencer ang dating mga kaibigan mula nang yumaman. “I think depende rin talaga sa perspective ng mga tao, Tito Boy. Pwede po kasing ‘yung relatability ko eh naging aspiration na sa kanila. Parang napapagod na rin po ako sa conversation na ‘to kasi paulit-ulit na lang. Kahit ano pong sabihin ko, may ibabato pa rin ‘yung ibang tao. Parang ang sa akin lang po ay bahala na po kayo sa buhay ninyo. Hindi po ba mas nakakatakot na kapag tiningnan n’yo ‘yung past version of yourself na after five years, you’re still the same person, na walang growth, stagnant. Ako, sobrang proud po ako sa changes in my life. I did it not only for myself but also maka-inspire po ng maraming tao,” paglilinaw niya.

Para kay Mimiyuuuh ay katas din ng sariling pagsisikap ang kanyang tagumpay na tinatamasa ngayon. Malaki ang pasasalamat ng vlogger sa pamilyang palaging nariyan upang gumabay sa kanya. “Compared po sa dati, kasi galing din ako sa talagang walang-wala. So ‘yon ang pangarap ko sa family. Sana magkaroon kami ng sariling bahay. Pinapalayas kami dati, palipat-lipat kami. Gusto ko talagang yumaman. Minanifest ko talaga ‘yon dati. Sana kahit huwag n’yo na lang po akong bigyan ng boyfriend, payamanin n’yo na lang po ako. ‘Yon po yata talaga ang nangyari sa akin ngayon. Napansin ko po na nagbabago ang isang tao kung nagbago rin ang mga taong nasa paligid niya. And I’m so grateful na hanggang ngayon ‘yung same circle of friends ko, friends ko pa rin. ‘Yung family namin mas tumatag pa po. They keep me grounded po talaga,” paglalahad ng social media influencer.

Samantala, walang karelasyon ngayon ang sikat na vlogger. Ayon kay Mimiyuuuh ay isang malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng kasintahan. Isang pares ng sapatos daw ang pinakamahal na nairegalo ng social media influencer sa isang lalaki noon. “Responsibility siya, mahirap siya. Kailangan mo siya i-maintain and minsan nakakapagod din. Nakakapagod ang mga lalaki. Sapatos lang, designer shoes. Hindi naman ako magarbong magmahal. Kasi ang feeling ko, enough na ako ‘oh, ano pang gusto mo sa akin?’ Mamaya kasi bigyan ako ng boyfriend, mawala ‘yung pera ko, mas nakakatakot ‘yon. Kapag para sa akin, para sa akin,” nakangiting pagtatapos ni Mimiyuuuh.

(Reports from JCC)

VLOGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with