Last Quarter Storm dehado sa troll storms
First Quarter Storm ng mga aktibista ang dekada ‘70 na nakibaka upang labanan ang bulok na sistema ng gobyerno ni Ferdinand Marcos Sr. Iisang idolohiya ang bumalangkas sa grupo ng mga nakibaka na hango kina Mao Tse Tung ng China, Karl Marx ng Germany at Vladimir Lenin ng Russia pero hindi sagad ang naging pagkakaisa.
Naging sangkalan ni Marcos Sr. ang paglaganap ng aktibismo upang suspendehin ang Writ of Habeas Corpus para sa maaresto ang kalaban na hindi na kailangan ng warrant of arrest hanggang tuluyang ideklara ang martial Law noong September 21, 1972 na naging diktador kalaunan ay nagmistulang komunistang gobyerno rin.
Nabalahura ang liderato ni Apo Ferdie at ang New Society program nito dahil sa mga kaalyado ni Apo na nagpayaman at naging talamak ang “Cronyism” na nagpabulusok sa liderato nito. Pumalit ang Revolutionary Government ni Cory Aquino at namayagpag naman ang “Corynism” na nagkamal din ng pakinabang.
Nagpatuloy ang aktibismo hanggang sa sumabak na rin sa pulitika ang mga maka-kaliwang grupo at naturingang grupo ng progresibo o makabayan at naging kabahagi na ang ilan sa kanila bilang representante sa kongreso upang makialam sa pag-ukit ng batas bilang Partylist representatives. Kumita rin ba?
Bumahagi at nakinabang sa pondo ng gobyerno ang mga makabayan partylist representatives na nakulayan din ng pag-arimuhanan ang hanay dahil nasangkot din ang ilan sa kanila sa isyu ng Pork Barrels at PDAF na tinuhog ni Janette Napoles. Wala rin palang ipinag-iba sa tradisyonal na mga pulitiko.
Naghahangad din ang grupong makabayan na makapaghalal ng presidente na maaring bansagang Last Quarter Storm mula sa hanay nila at nangingibabaw ang pangalan ni Sen. Risa Hontiveros. Marami ang nagsasabi na mas magaling na di hamak si Chel Diokno kay Risa. Nodiyok-Nodiyok,..he he!
Sa nakaraang SONA 2026 ni PBBM ay maliwanag na magiging pera-perang labanan ang pulitika ngayon lalo pa’t nasanay sa “konting daing, ayuda’y dumarating” mula sa buwis natin. May 4 P’s na may AICS at TUPAD at Cash benefits sa mga mapipili ang mga kapitan.
Marami ang natuwa na aalisin na ang system loss charges sa electrical bills pero hindi maliwanag kung makakabawas ba ito sa kalidad at epektibong serbisyo ng elektrisidad lalo na sa ganitong panahon ng tag-bagyo. Anong kapalit na insentibo naman ang ilalaan ng gobyerno sa mga power distributors? Abangan!
- Latest




















