^

Police Metro

Pampasabog nakita malapit sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng pulisya na isang Improvised Explosive Device (IED) ang nakita ilang metro sa Senado sa harap ng Six J Double BB Eatery na nasa center island sa W. Diokno Blvd.,Barangay 76, Pasay City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Retired P/Major General Alfred Corpuz, head ng Office of the Sergeant-At-Arms(OSAA), alas-8:00 ng umaga na nakita ng isang tauhan ng towing truck ang isang package na hinihinalang may lamang “improvised explosive device” (IED) na nakalagay sa huling bahagi ng gulong ng nakaparadang towing truck.

Sinabi rin ni Corpuz na may mga wires at batteries na nakita sa package na ayon kay Corpuz ay nilaru-laro pa ng mga tauhan ng towing truck bago nakita ng mga nag- papatrolyang mga pulis sa lugar.

Ipinasa sa SOCO ang nakitang package upang matiyak kung ito ay IED.

Sinabi rin ni Corpuz na agad na ipinaalam kay Senate President Win Gatchalian ang insidente kaya ipinag-utos nito na mas paigtingin pa ang seguridad sa Senado.

Natuklasan ang package tatlong oras bago magbukas ang second regular session ng 20th Congress.

BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with