Higit 1K establishment lumabag sa excise tax
MANILA, Philippines — Tinatayang 1,793 establisimyento ang nahuli ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa sabayang Tax Compliance Verification Drive (TCVD) ng 22 BIR Revenue Office sa 3,590 establishments nationwide.
Ang mga nahuli ay napatunayang nagbebenta at nagsasagawa ng distribusyon ng sigarilyo, vapor products at heated tobacco products na pawang nagsagawa ng tax compliance violations.
Nakakumpiska rin ang BIR ng 8,634 vape products at 22,251 pakete ng sigarilyo na may kabuuang tax liability na P16.54 milyon.
Kasama sa ginawang paglabag ng mga nahuli ay ang pagkabigong magrehistro sa BIR, mag-isyu ng resibo at walang registered books of accounts, walang display ng certificates of registration, walang BIR tax stamps at iba pang paglabag hinggil sa registration, invoicing, book keeping at excise tax laws.
- Latest



















