^

Pang Movies

John Arcilla, may panawagan sa p*nyeta...

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Arcilla, may panawagan sa p*nyeta...
John Arcilla
STAR / File

Ibinahagi ni John Arcilla ang kanyang naging journey sa mahigit ilang dekada sa industrya, ang kanyang pananaw sa pag-arte at storytelling, pati na rin ang kanyang mga bagong proyekto sa musika at pelikula sa pinakabagong Star Magic Spotlight Press Conference na ginanap sa Dolphy Theater, ABS-CBN, Quezon City.

Sa press conference, binigyang-diin ni John na ang pag-arte ay hindi lamang tungkol sa pagganap ng isang karakter, kundi may kaakibat ding responsibilidad sa sining at sa mga manonood.

“Acting is not just a commitment towards you character, and to your co-actors, it is also responsibility to your audience,” aniya.

Hinikayat din niya ang aspiring actors na patuloy na matuto hindi lamang sa loob ng classroom o acting workshops, kundi ma­ging sa mga karanasan sa buhay, na aniya ay “The biggest university in acting is this life.” Dagdag pa niya, ang pag-unawa sa pagiging tao ng bawat karakter ang nagbibigay ng mas makatotohanan at makabuluhang kuwento.

Binalikan din niya ang Heneral Luna, ang pelikulang naging malaking turning point sa kanyang karera. Mahigit isang dekada matapos itong ipalabas, sinabi ni Arcilla na marami pa rin ang tumatawag sa kanya bilang “Heneral,” lalo na ang mga kabataang nakapanood ng pelikula sa paaralan o kasama ang kanilang pamilya.

Bukod sa pag-arte, ibinahagi rin niya ang kanyang pagbabalik sa musika sa pamamagitan ng kanyang debut Star Music single na Ano Ba ‘Yan, P*nyeta. Ayon sa kanya, bagama’t hango ang pamagat sa isa sa kanyang pinaka­tanyag na linya sa pelikula, ang kanta ay isang social commentary na naghihikayat sa bawat isa na suriin ang sariling papel sa lipunan.

“Hindi isa lang ang may kasalanan o dalawa o tatlo. Tayong lahat, ina-allow nating mangyari o tayong lahat, may kanya-kanya tayong dapat ayusin sa sarili natin, sa puso natin, at sa ating isip,” aniya.

Ibinunyag din ng beteranong aktor na kasalukuyan niyang inihahanda ang kanyang kauna-unahang album, na maglalaman ng mga theme song mula sa ilan sa kanyang mga teleserye gaya ng Dirty Linen, Pamilya Sagrado at The Alibi, kasama ang ilan pa niyang original compositions.

Bago matapos ang press conference, inimbitahan niya ang publiko na abangan ang kanyang mga susunod na proyekto, kabilang ang pelikulang Beast ni Lawrence Fajardo, ang Happy Birthday to Me na ipapalabas ngayong Agosto, ang Metro Manila Film Festival entry na Haunted Carnival. Hinikayat din niya ang lahat na pakinggan ang kanyang debut single na Ano Ba ‘Yan, P*nyeta sa iba’t ibang digital music streaming platforms.

JOHN ARCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with