^

PM Sports

Macau inakay ni Perry sa panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Macau inakay ni Perry sa panalo
Kinaliwa ni Ramon Cao ng guest team Macau ang kanyang layup laban kay Pao Javillonar ng Titan Utra.
PBA Image

MANILA, Philippines — Wala nang bokyang koponan sa PBA Season 50 Governors’ Cup.

Tinunaw ng Macau Giant Pandas ang higanteng kalamangan ng Titan Ultra, 132-126, para sa unang panalo nito sa torneo kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nag-ala-FPJ muna sa simula ang Giant Pandas nang maiwan sa hanggang 19 puntos bago unti-unting tapyasin ang bentahe ng Giant Risers simula sa third quarter, kung saan sila rumatsada sa 44-27 birada.

Wala nang lingunan para sa Macau buhat noon upang manatiling nasa kontensyon sa quarterfinals hawak ang 1-4 kartada sa Group A papasok sa 2nd round ng double-round robin eliminations.

Kayod-marino ang import na si De’Vondre Perry sa nalikom na 32 puntos at 22 rebounds na double-double sahog pa ang 5 assists, 1 steal at 2 tapal.

Humakot din ng 28 puntos at 13 rebounds si Ramon Cao habang may 22 puntos din si Jenning Leung.

“We just played harder in the 2nd half. In the first half, they’re a little more aggressive. We turned it around in the 2nd half. That’s what we did,” ani Cao, na tinanghal na Best Player of the Game.

“We came out and played hard. We hustled,” dagdag ni coach Marcus Elliott kahit pa naiwan sa 30-11 ang kanyang mga bataan sa 1st quarter.

Matapos agawin ang manibela sa 95-94 papasok sa 4th quarter, hindi na nagpaawat pa ang Giant Pandas nang umalagwa sa 116-108 bago muntikan pang masilat.

Nagpakawala ng 12-3 balikwas ang Titan Ultra na tinuldukan ng free throws ni Joshua Munzon subalit kalmado ang Macau sa likod ni Cao tampok ang 2 freethrows upang makasagot ng 8-0 ratsada para sa 127-120 kalamangan tungo sa tagumpay.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with