^

PSN Showbiz

Mga anak ni buboy sa ex, wala na sa kanyang poder!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan lamang ay nag-celebrate ng 2nd birthday ang bunsong anak ng Kapuso actor na si Buboy Villar na si Kyrie sa kanyang present girlfriend na si Khrizza Sampiano pero wala sa nasabing okasyon ang dalawa niyang anak na sina Vlanz Karollyn (9) at Michael George (7) sa kanyang ex-girlfriend, ang American na si Angillyn Serrano Gorens.

Hindi malinaw kung nasa poder ng ex-girlfriend ni Buboy ang dalawa niyang mga anak o nasa kustodiya na ito ng adoptive Filipino parents ni Angillyn.

Taong 2015 nang magsimulang mag-date sina Buboy at Angillyn but it was only on February 2016 inamin ng dalawa ang kanilang relasyon at pagli-live-in na nagbunga ng dalawang anak.

At bago sila tuluyang nagkahiwalay ay nangako noon ang actor na balak niyang pakasalan ang kanyang nobya sa Amerika na hindi na nangyari.

Si Buboy ay mainstay ng dating late night show  na Walang Tulugan with the Master Showman ng yumaong star-builder at Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno).

Kambal ni Ricky, ayaw maki-ride sa ama!

Marami ang hindi nakakaalam na kahit nag-out na ang Latin-American singer at songwriter na si Ricky Martin nung 2010 ay meron itong twin sons na sina Valentino at Matteo Martin na ipinanga­ngak sa pamamagitan ng surrogacy nung Aug. 9, 2008.

Sa kambal, mas pribado si Matteo habang dancer, content creator, cosplayer, sports enthusiast at adventurer naman si Valentino.

Turning 18 on Aug. 9, gusto ni Valentino na makilala siya ng publiko hindi bilang anak ng sikat na personalidad na si Ricky Martin kundi dahil sa kanyang sariling merito.

At ginagawa ni Valentino ang lahat para makilala siya on his own.

Si Ricky ay dating miyembro ng sikat ng Puerto Rican teen group, ang Menudo, na sumikat nang husto nung dekada ‘80. Taong 1990 nang umalis ito sa Menudo para ipagpatuloy ang kanyang solo career.

Sa mga dating miyembro ng Menudo, isa si Ricky sa pinakasikat along with Robby Rosa (na Draco Rosa na ngayon), Charlie Masso at iba pa.

Si Ricky ang lumabas na pinaka-successful ang solo career matapos itong mag-relocate sa New York City kung saan din naka-base si Robby (Draco).

Hindi lamang sa Latin Amerika sumikat si Ricky kundi nakapag-cross over siya sa mainstream global music.

Ilan sa mga awiting pinasikat ni Ricky include Livin’ La Viva Loca, Vente Pa’ Ca, She Bangs, Maria, Vuelve, El Ultimo Adios, La Copa de la Vida, Adios, Tal Vez, La Mordidita at iba pa.

Nung miyembro pa si Ricky ng Menudo ay makailang beses siyang nakara­ting ng Pilipinas with the group for a series of sold-out concerts sa Araneta Coliseum nung dekada ‘80. Fourteen years old pa lamang noon ang Puerto Rican singer-songwriter.

Sobrang napamahal si Ricky sa kanyang Filipino fans. Maganda siguro kung makakapagtanghal siyang muli sa Pilipinas bilang solo artist or magkaroon sila ng reunion concert kasama sina Robby (Draco) Rosa at Charlie Masso (Rivera).

Sino kayang concert producer ang puwedeng magdala sa tatlo sa Pilipinas for a special concert?

BUBOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with