Maymay, sinamahan ng jowa sa Australia!

Reunited si Maymay Entrata at ang kanyang model boyfriend na si Joaquin Enriquez para magdiwang ng kanilang first anniversary as a couple.
And take note, nagkita sila sa Australia. Kasalukuyan ngang nasa Australia si Maymay para sa ASAP XP.
Ibinahagi ni Maymay sa kanyang Instagram kahapon ang video nila ng Fil-Am boyfie at sa caption ay ramdam mo ang happiness ng Kapamilya actress sa pagkikita nilang muli sa ibang bansa.
Naka-base kasi sa Los Angeles, California ang dyowa ni Maymay kaya LDR (long distance relationship) ang drama nila. “Road 24ever with my person. 5 hours until our first year… and we’re just getting started,” simula ng caption ng aktres/singer.
“Thank you for coming all the way here mahal, para ma-celebrate natin ito together in person. Here’s to more years of choosing each other. Gihigugma kaayo tika,” mensahe niya sa dyowa.
Matatandaang isinapubliko ni Maymay ang kanilang relasyon last October, 2025. Kahit LDR sila ay madalas pa rin silang magkita dahil from time to time ay pumupunta ng Pinas si Joaquin or either ang dalaga ang pumapasyal sa US para magkasama sila.
Meryll, natuwa sa pagkatalo ng amang si Willie
Inamin ni Meryll Soriano na nakabuti rin para sa ama niyang si Willie Revillame na hindi ito nanalo bilang senador noong 2025 elections.
Sa guesting ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda kasama si Pokwang ay isa sa naitanong sa kanya kung ano ang naging reaksyon niya sa pagkatalo ng ama nang kumandidato itong senador. “Oh, no,” ang unang sambit ni Meryll.
“Nasagot na rin naman niya ito sa kanyang sariling pag-iisip because it’s something that he doesn’t know. He doesn’t know well. He was never confident. I mean, people have been trying to tell him ‘tumakbo ka. Makakatulong ka.’ And I think he’s very smart to understand na hindi niya ‘yon forte,” pahayag ng aktres.
Aminado siyang nalungkot siya sa naging desisyon ng tatay niyang pasukin ang pulitika dahil ang unang inaalala niya ay ang health nito. “So, nu’ng tumakbo siya, siyempre nalungkot din ako kasi parang kakayanin ba niya ‘yung stress? It’s completely a different world and iniisip ko rin siyempre ‘yung health niya,” aniya.
At siyempre, kasama rin sa concern niya ang magiging buhay nila kung magiging senador nga ito. “‘Yung magiging buhay niya, magiging buhay naming mga anak niya,” sey niya.
Para kay Meryll, God’s blessing na rin na hindi nanalo si Willie. “And mabait talaga ang Diyos sa kanya na hindi siya nanalo because he’s set out to do other things where he’s more than capable to help,” saad niya.
Kasunod nga nito ay natanong ni King of Talk Boy Abunda sina Pokwang and Meryll kung may balak ba silang pasukin ang politics at pareho ang sagot ng dalawa na wala raw silang kaplanu-plano.
Sey ni Pokwang, magulo na nga raw sa showbiz kaya hindi na nila gusto pang magdagdag ng panibagong gulo sa kanilang buhay.
- Latest


























