^

Pang Movies

Mga nanalong Binibini, ayaw magkalat ng ‘hate’!

Dianne Canlas - Pang-masa
Mga nanalong Binibini, ayaw magkalat ng ‘hate’!

MANILA, Philippines — Tatlong araw matapos koronahan ang apat na beauty queen na sina Binibining Pilipinas International 2026 Gwendoline Meliz Soriano, Binibining Pilipinas Globe 2026 Sasha-Juli Belle Lacuna, first runner-up Julianne Raine Antonio at second runner-up Tracy Mae Sunio ay bumisita sila sa opisina ng The ­Philippine STAR sa Sucat, Parañaque upang ibahagi ang kanilang naging pageant journey.

Nang tanungin kung ano ang kanilang unang ginawa matapos ang coronation night, halos pare-pareho ang kanilang sagot – matulog, yakapin ang kanilang pamilya at kumain.

Pinoproseso pa raw nila kanilang pagkapanalo lalo na’t tatlong araw pa lamang ang nakalipas nang amin silang ma-interview. Ang dami raw nangyayari at kabi-kabilang media interview ang kanilang dinadaluhan gayundin ang mga lumalabas sa social media. Kaya naman sinusulit daw talaga nila ang oras kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Hindi raw talaga madali ang kanilang mga naging preparasyon sa Binibining Pilipinas lalo na kay BB. Pilipinas 1st runner-up Julianne Raine Antonio na first timer sa pageant.

Nagsimula lamang siya ng training sa Aces and Queens noong January at ang plano talaga niya ay maghanda muna pero nakumbinsi siya na sumali, at luckily natanggap agad nang mag-apply.

Isang malaking hamon daw talaga para sa kanya ang paglahok sa Binibining Pilipinas dahil never pa raw siyang na-expose sa public eye kaya hindi raw siya sanay sa mga kritisismo pero natutunan na raw niya ang “art of dedma.”

Nahirapan naman si Binibining Pilipinas International 2026 Gwendoline Meliz Soriano na i-sustain ang kanyang energy sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan dahil kailangan daw talaga nila ng maraming effort at lakas. Hindi raw kasi natin nakokontrol kung kailan susuko ang ating katawan sa pagod.

Habang si Bb. Pilipinas Globe 2026 Sasha-Juli Belle Lacuna naman ay nagkaproblema sa kanyang glam team kung saan kinailangan nilang humanap ng bagong team na mag-a-accommodate sa kanya sa gitna ng kumpetisyon. Dumating daw sa punto na pakiramdam niya ay hindi pabor sa kanya ang kanyang makeup artists na mula sa kanyang hometown pero umaasa siyang maayos pa rin sila pagbalik niya roon ngayong isa siya sa kinoronahan sa Binibining Pilipinas. Nagpapasalamat naman siya sa bago niyang team na kumupkop sa kanya na parang totoong anak.

Para naman kay Bb. Pilipinas 2nd runner-up Tracy Mae Sunio, na unang sumali sa Binibini noong 2024 ngunit ‘di pinalad na magwagi, hindi sa lahat ng oras ay madali para sa kanilang ngumiti dahil sa likod nito ay meron din silang kanya-kanyang dinadalang problema. Pero dahil mga Binibini sila ay na-train daw sila na aniya “to be at our best despite feeling that we cannot” dahil na-inspire sila at tinuruan silang maging propesyunal.

Natanong din namin sila tungkol sa kanilang reaksyon sa nag-trending na “halfie” statement ng mga Fil-Am male pageant candidate.

Nalungkot daw si Julianne sa naging pahayag ng mga ‘halfie’ dahil siya raw mismo ay isang halfie. Dahil sa nangyari ay gusto raw niyang gamitin ang kanyang platform para paalalahanan ang mga “halfie” na sasali sa pageant. “I was so sad about that. Technically, I am half, more than half, my dad’s half-Ilocano, half-Norwegian, my mom’s basically full, from Dumaguete, so I grew up half here and half in the State. I moved back here not thinking I would join pageantry but I wanted to move here to immerse myself back into my culture, and you know, be with my people and my food. I just miss all of it. It’s sad that we have to let have that label. I want to use my platform as a reminder that if you really join pageantry, make sure you are excited to represent your country with pride,” pahayag niya.

Ayon naman kay Tracy, bilang mga public figure meron silang malaking responsibilidad na i-promote ang “communication over cancellation.” Mga role model sila at ayaw nilang magkalat ng ‘hate.’ Sobrang sensitibo raw talaga ang naging pahayag ng mga lalaking ‘halfie’ lalo na sa mga pure Pinoy gaya ng fans na sobra ang pagiging supportive.

Para kay Gwendoline, wala raw iyon sa lahi, dugo at kung gaano ka-purong Pinoy ang isang candidate kundi nasa puso ng pagsilbi at layunin ng paglahok sa kumpetisyon.

“That’s sad for international pageants, I don’t think it’s all about your race, your blood, or how pure of a Filipino you are. I think it’s all about your heart to serve and your purpose of joining. With proven over the years, we have a lot of beauty queens and even male contestants were able to win. Like no matter how half or how full you are, it’s not defined by that. And it’s sad you know that they have those perspectives, it really shows the heart of the person,” sey niya.

Nabanggit niya rin si former beauty queen na si Kylie Verzosa na isang pure Filipino na kinoronahang Miss International 2016 kaya para sa kanya ay lahat ay merong pantay-pantay na pagkakataon. Basta’t pinaghihirapan at pinaghahandaan ang korona ay ibibigay raw ito ng Panginoon anuman daw ang lahi o dugo ng isang kandidata.

Ipinakita rin ni Sasha ang kanyang pagkadismaya at sinabing respetuhin daw sana ang mga taong yumakap at sumuporta sa iyo sa paglahok sa kumpetisyon. Hindi man daw Filipino ang first language, mag-immerse raw sa kultura, aralin ang iba’t ibang klase ng pagkain, rehiyon at ipagmalaki ang pagiging mixed-race o may halong dugong Pinoy.       

A BINIBINING PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with