DOTr: Bahagi ng SLEX TR4, operational sa Disyembre

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil inianunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na magiging 30 minuto na lamang ang biyahe ng mga motorista galing Sto. Tomas, Batangas patungong Tiaong, Quezon, at vice versa mula sa kasalukuyang dalawang oras.
Ito’y dahil nakatakda nang magbukas at magamit ang Package A hanggang Package C ng South Luzon Expressway Toll Road 4 (SLEX TR4) sa Disyembre o bago matapos ang taong 2026.
Kasunod na rin aniya ito ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gawing mabilis at maginhawa ang biyahe ng mga motorista at pasahero.
Ayon kay Lopez, bago matapos ang taon ay makakaasa ang ating mga kababayan sa pagbubukas ng unang tatlong packages ng SLEX TR4.
Kapag natapos naman ang buong SLEX TR4, magiging isang oras na lang ang biyahe galing Batangas hanggang Lucena mula sa apat na oras na biyahe.
Nabatid na ang naturang expressway ay proyekto ng DOTr, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
- Latest





















