Direk FM Reyes, naaksidente sa grinder

Naaksidente pala si Direk FM Reyes ng Blood vs Duty.
Ang misis niyang si Rita Avila ang nagbalita sa kanyang social media page.
Kasalukuyang nasa hospital si Direk FM na hanggang Friday na lang mapapanood ang dinidirek niyang Blood vs Duty.
“So habang may event kami para sa promo ng Someone, Someday nung lunes, naaksidente naman ang asawa kong direktor na si FM Reyes.
“Bumagsak sa kamay nya ung grinder sa may wrist.
“Smile Smile ako sa event pero ung isip ko ay nag aalala.
“Kaya wag kayong malupit sa artista kung hindi nakangiti o nakakaway sa inyo, minsan may dinaramdam din kami.
“Isang hibla ang layo sa mga ugat na pwedeng ikamatay ng asawa ko. Sugod ako sa ospital matapos ang event.
“Inoperahan sha at ngayo’y nagpapagaling na,” buong post ni Rita kalakip ng photo nila na nasa hospital.
- Latest























