^

PSN Showbiz

Coco, magpo-produce ng stage play

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Coco, magpo-produce ng stage play
Coco Martin
STAR / File

Excited ang Kapamilya Primetime King at action-drama star na si Coco Martin sa dalawang kolaborasyong proyekto na kanyang gagawin with Reality MM Studios nina Erik Matti at Dondon Monteverde, ang On the Job: Maghari at ang historical biopic na Maypagasa: The Battles of Andres Bonifacio na pareho niyang pagbibidahan which his CCM Film Productions is co-producing.

Ang dalawang joint film projects ay parehong pamamahalaan ng award-winning director-producer na si Direk Erik Matti na first time makakatrabaho ni Coco.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Coco sa isang pelikula.

Bukod sa dalawang magkahiwalay na pelikula, plano rin ng aktor na mag-produce ng isang stage play in cooperation with AKTOR Ph na pinamumunuan naman ni Dingdong Dantes bilang chairman.

Bea, wala nang paki sa mga intriga!

Back to work ang bagong mag-asawang Bea Alonzo at Vincent Co matapos ikasal ang dalawa sa isang simple secret civil wedding nung nakaraang July 13, 2026 sa tanggapan ni Mayor Nancy Binay sa Makati City Hall.

Nag-report na ang Kapuso actress sa set ng bago nitong ginagawang TV drama series, ang Whispers from Heaven kung saan niya kabituin si Tom Rodriguez kasama sina Jason Abalos, Maricar de Mesa, Jake Macapagal, Cassy Legaspi at iba.

Bumalik naman ang mister ni Bea, ang business tycoon na si Vincent sa kanyang tanggapan bilang President-CEO ng Puregold Price Club at ibang mga negosyo ng kanyang pamilya na itinatag ng kanyang billionaire parents na sina Lucio and Susan Co.

Zanjoe at Ria, wala pa ring planong ipakita ang anak

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring i-share ng mag-asawang Lovi Poe at Monty Blencowe ang kanilang nine-month-old baby girl na isinilang sa Los Angeles, California, USA kung saan ngayon naka-base ang mag-asawa.

Ginawa rin ito ng dating mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na si Liana pero ngayon ay buong giliw na nilang ibinabahagi ang kanilang anak on social media.

Ang isa pang couple na ayaw pa ring ilabas ang mukha at pagkakakilanlan sa publiko ng kanilang anak na si Baby Sabino ay ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Kahit pamilya at mga kaibigan ng celebrity couple ay hindi rin nagsi-share ng mukha ng bata sa social media at nagiging protective lamang marahil ang mag-asawa sa kanilang firstborn na unang apo ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

COCO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with