Mika at Bianca, may away?!

Unang naging magkaibigan sina Mika Salamanca at Will Ashley nang maging housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition noong isang taon.
Pagkalabas mula sa bahay ni Kuya ay mas napalapit pa sa isa’t isa sina Will at Mika. “‘Yung relationship namin ni Will, mas nagiging deep. Mas nakikilala ko siya. Kasi si Will is consistent sa akin after PBB hanggang ngayon. Consistent mag-pursue, nahihiligan na. To be honest, kung may scoring, high score. Kasi sobrang close namin ngayon. He has been consistent in pursuing me,” pagtatapat ni Mika.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang dalaga na makatambal si Will sa isang proyekto. Aminado si Mika na talagang hinahangaan niya ang binata bilang isang magaling na aktor. “Ako kasi even before PBB, pangarap ko makatrabaho siya. Hinahangaan ko siya kasi magaling siya as an actor,” pagtatapat ng aktres.
Samantala, may bulung-bulungan na nagkaroon umano ng iringan sa pagitan nina Mika at Bianca de Vera. Nilinaw naman ni Mika na maayos ang turingan nila ni Bianca. “Wala po, okay po talaga kami. Feeling ko marami lang talaga kami ginagawa. Glory to God po. Saka magkaiba kasi kami ng network. So hindi gano’n kadali magkita. Pero okay po kami,” giit ng dalaga.
Jake, wish makita ang namatay na magulang
Naging emosyonal si Jake Vargas nang maalala ang pumanaw na mga magulang.
Taong 2011 nang mamatay ang ina habang 2023 naman nang pumanaw ang ama ng aktor. Lubos umano ang pasasalamat ni Jake sa mga magulang dahil naging maayos ang pagpapalaki sa aktor. “Gusto ko lang din mag-thank you sa kanila sa lahat, lahat nang pagmamahal simula no’n. Actually, Tito Boy, hindi naman ako magiging mabait kung ‘di dahil din naman sa kanila. Kung paano nila akong pinalaki. My parents kasi sobrang bait din naman po talaga. Lalo na si papa,” naluluhang pahayag sa amin ni Jake sa Fast Talk with Boy Abunda.
Napaluha rin ang kasintahang si Inah de Belen nang marinig ang mga sinabi ni Jake. Sampung taon nang magkarelasyon ang dalawa. Mahigit limang taon na ring nagsasama sa iisang bubong sina Inah at Jake ngayon. “Si Jake kasi, Tito Boy, nakita ko ‘yung struggle niya. Especially when his father was very sick. Sobrang hirap talaga. And he was shouldering everything. Lahat siya talaga. And he lives in the province kasi. ‘Yung family niya, even ‘yung dad niya. And laging kinukuwento sa amin, kasi siyempre he has work. He has taping every week. So we could only go to Subic siguro twice or once a month. So when we would see his Papa, when we would visit him, you know, his siblings would always say, ang laging hinahanap is Jake,” pagdedetalye ni Inah.
Madalas na nangungulila si Jake sa kanyang mga magulang. Umaasa ang binata na muling makikita ang mga mahal sa buhay sa takdang panahon. “Kapag dumating man ‘yung panahon na... sana makita ko sila,” pagtatapos ng Kapuso actor. — Reports from JCC
- Latest




















