US kinondena paghampas sa ulo ng China sa PH Navy
MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng United States ang tinawag nitong “dangerous and escalatory actions” ng China sa Ayungin Shoal.
Ito ang inihayag nitong Martes ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton matapos masugatan ang isang tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Sierra Madre noong Hulyo 20.
“China’s actions in the South China Sea threaten regional stability and stand in sharp contrast to Philippine forces’ professionalism and discipline,” pahayag ni Lipton.
“We join the Philippines’ call for China’s Navy, Coast Guard, and maritime militia to stop their illegal, coercive, aggressive, and deceptive actions in the South China Sea,” dagdag pa niya.
Matatandaang isang Chinese Coast Guard (CCG) rubber boat na may walong tauhan ang umano’y ilegal na lumapit sa BRP Sierra Madre, umikot at kumuha ng mga larawan at video.
Nang paalisin ito ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mahinahon na paraan ay naging marahas umano ang panig ng China.
Hinampas pa ng kahoy na baton ang ulo ng isang sundalo dahilan ng kanyang pagkasugat at isang rubber boat pa ng Navy ang nasira.
- Latest



















