Phillips pumirma na sa Bbasketball League

MANILA, Philippines — Hindi sa Philippine Basketball Association (PBA) mapapanood si Gilas Pilipinas forward Mike Phillips kundi sa Japan B.League.
Ito ay matapos ang pormal na pagpirma ng 6-foot-7 Fil-American sa isang two-year contract para maglaro sa Kyoto Kannaryz ng B.League.
Ang 24-anyos na dating kamador ng La Salle Green Archers sa UAAP ang ikatlong Pinoy player na maglalaro para sa Kannaryz team matapos sina guard Matthew Wright at forward Jamie Malonzo.
“I’m truly honored and grateful for the opportunity to join the Kyoto Hannaryz organization and the B. League. I’m excited to return and experience the passion of basketball in Japan once again,” ani Phillips.
Naging eligible si Phillips na maglaro sa B.League bilang isang Asian Quota player matapos katawanin ang Gilas Pilipinas sa nakaraang third window ng FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers laban sa Australia at New Zealand.
Bago ito ay kumampanya muna si Phillips para sa San Juan Knights sa MPBL kung saan siya nagtala ng mga averages na 8.4 points at 10.7 rebounds sa 10 games.
Sa kanyang limang UAAP seasons ay natulungan niya ang Green Archers na makakuha ng dalawang korona.
Si Phillips ang inaasahan sanang magiging No. 1 overall pick sa darating na PBA Rookie Draft.
- Latest























