^

Probinsiya

3 teroristang BIFF sugatan sa Maguindanao encounter

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 teroristang BIFF sugatan sa Maguindanao encounter
Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga personnel ng Army’s 6th Infantry Division sa entrance ng Cotabato Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte matapos ang magkakasunod na pag-atake sa apat na bayan sa Central Mindanao ng mga BIFF remants.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Tatlo sa mga nalalabing kasapi ng nabuwag na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sugatan matapos nilang atakihin ang mga sundalo sa isang detachment sanhi ng umaatikabong engkuwentro sa Talitay, Maguindanao del Norte nitong Linggo ng gabi.

Ang pag-atake, ay kasunod sa pag-detonate naman sa isang homemade bomb malapit sa armored combat vehicle na nakahimpil sa gilid ng Army outpost sa Barangay Linatang, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao de Sur, na inihagis ng dalawang BIFF members na nakilala sa mga pangalang Salik Enso Mungkas at Alimodin  Amin Guiabar.

Sinabi ng mga opisyal ng Philippine Army 6th Infantry Division at ng Maguin­danao del Norte Provincial Police Office sa mga mamamahayag na nasa 15 armadong terorista ang nagsigapang papalapit sa Army detachment ng 12 Mechanized Company sa Barangay Manggay, Talitay at nagpaulan ng bala.

Bunsod nito, agad nakipagpalitan ng putok ang mga sundalo sa detachment at napigil ang mga BIFF terrorists na tulu­yang makalapit at makapasok sa kanilang lokasyon. Napilitan namang magsiatras ang mga terorista matapos masugatan ang tatlong kasamahan na sina Omar Modih Barinso, Odin Sangkay Batua at Andong Aliman Badrudin na kanilang binitbit sa pagtakas.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with