^

Police Metro

P2 dagdag-pasahe sa jeep, hinirit

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinirit ng transport groups sa pamahalaan na itaas sa P2 ang pasahe sa jeep dulot ng pagtaas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa tension sa Middle East.

Ayon kay MANI­BELA chaiperson Mar Valbuena na napapanahon nang ­ipatupad ng pamahalaan ang pagkakaloob ng P2 taas-pasahe dahilan sa halos umabot na sa 100 percent ang itinaas sa ­presyo ng mga produktong petrolyo.

Aniya, bago sumiklab ang kaguluhan sa gitnang silangan ay humiling sila ng dagdag P1 sa pasahe at mula noon hanggang ngayon ay wala pang naitataas sa singil sa pasahe.

Hindi na anya sapat ang dagdag P1 sa pasahe at hindi rin nakasapat ang nagdaang naibigay na fuel subsidy ng pamahalaan dahil one time lamang ito gayung ang halaga ng mga produktong petrolyo ay patuloy ang pagtaas linggo linggo.

Iginiit din ni Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) president Libay De Luna na dapat nang maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan dahil sa matinding epekto sa kanilang hanapbuhay ang lingguhang oil price hike.

Kapwa sinabi nina Valbuena at De Luna na magkakasa sila ng transport strike kung magpapatuloy ang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

FARE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with