Teodoro sa AFP: Reservist record ni Padilla, silipin
MANILA, Philippines — Inatasan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na silipin ang reservist record ni Senador Robin Padilla matapos na aminin na isa siyang komunista.
“Well, the AFP probably should take note of that and you know do its process accordingly”, pahayag ni Teodoro.
Sa tala ng Philippine Army si Padilla ay naging reservist ng Philippine Army (PA) noong 2019 bilang mabuting impluwensiya umano sa mga kabataan at may ranggong Captain.
Noong nakaraang linggo sa kasagsagan ng senate impeachment trial ay walang pasubaling inamin ni Padilla na isa siyang komunista na ang idolo ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Sa ilalim ng panuntunan ng PA ang sinumang makagawa ng kabalintuan habang nasa ilalim ng AFP Reservist Program ay namemeligrong mapatalsik tulad ng nangyari sa tinanggal sa puwesto na si dating PA reservist at dating 4th District Cavite Rep. Kiko Barzaga.
Nakatakda namang sumailalim sa proseso at imbestigasyon ng PA ang pag-aming ito ni Padilla.
- Latest



















