^

Probinsiya

PCapt. umawat sa komosyon tinodas sa karaoke bar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PCapt. umawat sa komosyon tinodas sa karaoke bar
Kinilala ang nasawing biktima na si P/Captain Rian Fuentes Ampoyos, commander ng 1st Capiz Provincial Mobile Force Company (PMFC).
File photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos na pagbabarilin habang tinatangkang payapain ang komosyon sa loob ng isang karaoke bar sa Pontevedra,Capiz nitong Lunes ng mada­ling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si P/Captain Rian Fuentes Ampoyos, commander ng 1st Capiz Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Sa ulat ng Capiz Provincial Police Office, ang biktima ay off duty nang maisipan nitong pumasok sa karaoke bar nitong Lunes pasado alas-12 ng madaling araw.

Inihayag ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Brig. Gen. Randulf Tuaño, na ang opisyal at iba pang mga off-duty police ay naimbitahan kamakalawa ng gabi ng may-ari ng karaoke bar na mag-dinner.

Bandang alas-4:30 pa lamang ng hapon kamakalawa ay nagtu­ngo na ang grupo ng biktima sa nasabing karaoke bar at pinag-usapan ang “peace and order” sa kanilang hurisdiksyon. Inabot sila ng hanggang pasado hatinggabi sa karaoke bar nang biglang magkaroon ng komosyon dahil sa isang lalaking armado umano ang nanggugulo. Dito, tinangkang payapain ng grupo ni Ampoyos ang lalaki pero habang palapit pa lamang sa mesa ay agad na siyang pinagbabaril ng suspect na si William Paulino Deocampo.

Nagawa pang maisugod sa Bailan District Hospital si Ampoyos pero idineklara nang dead-on-arrival. Nasakote naman sa lugar ang suspect habang tinatangka nitong tumakas.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with