^

Punto Mo

Binawasan ang ­allowance para gawing umento sa basic pay

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nagtataka lang po ako kasi tuwing magkakaroon ng umento sa minimum wage, ibinabawas lang po nila yung itinaas mula sa aming allowance at idinagdag ang halagang iyon sa basic pay. Lagi na lang nilang ina-adjust, kaya para pong wala rin kaming natatanggap na tunay na dagdag. – Gab

Dear Gab,

May dalawang paglabag na makikita sa ginagawa ng iyong employer. Una, ang pagbawas ng allowance na matagal mo nang tinatanggap ay maaaring lumabag sa tinatawag na prohibition against diminution of benefits sa ilalim ng Article 100 ng Labor Code. Kapag ang isang benepisyo tulad ng allowance ay matagal na at regular nang ibinibigay, ito ay itinuturing nang bahagi ng mga benepisyong hindi na maaaring bawasan o alisin nang walang pahintulot ng empleyado.

Pangalawa, ang hindi pagbibigay ng tunay na umento ay maaring isang paglabag sa Republic Act 6727, na siyang pangunahing batas para sa pagtatakda ng minimum wage. Malinaw na nakasaad sa Section 14 ng nasabing batas na “(n)othing in this Act shall be construed to reduce any existing wage rates, allowances and benefits of any form under existing laws, decrees, issuances, executive orders, and/or under any contract or agreement between the workers and the employers.”

Ang nakikita ko lang na sitwasyon kung saan posible ang pagsasama o integration ng allowance sa basic pay ay kung may malinaw na kasunduan na pumapayag rito ang mga manggagawa. Kung ang allowance ay binawasan ng employer nang walang pahintulot ninyo upang pondohan ang umento na dapat ay dagdag sa inyong kita, malinaw na dinadaya nito ang layunin ng batas. Sa mata ng batas, ang mahalaga ay ang tunay na epekto sa kabuuang kitang natatanggap ng empleyado at hindi kung ano lamang ang nakasaad na basic pay sa payslip. Maipapayo ko na ipunin mo ang iyong mga payslip bago at pagkatapos ng bawat umento upang malinaw na makita ang ginawang pagbabawas ng allowance at paglilipat nito sa basic pay. Iyan ang iyong magiging pinakamahalagang ebidensiya kung sakaling ikaw ay magsampa ng reklamo.

BASIC PAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with