Reyes sumipa ng gold sa World Expo

MANILA, Philippines — Kumana si Pinay taekwondo jin Fiel Reyes ng isang ginto at isang pilak sa 19th World Taekwondo Cultural Expo na ginanap sa Muju, Jeollabuk-do, South Korea.
Hataw agad si Reyes sa poomsae event kung saan nito nakamit ang gintong medalya.
Nagdagdag pa ito ng pilak sa sparring (kyorugi) para magarbong tapusin ang kampanya nito sa naturang world meet.
Pinatunayan ng Mapua University student na kaya nitong makipagsabayan sa matitikas at world-class taekwondo jins mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang World Taekwondo Culture Expo ay isang South Korea’s premier international taekwondo festival na nilalahukan ng mahigit 4,000 athletes, coaches at enthusiasts.
Ito ay isang annual event na nagtatampok ng poomsae at kyorugi kasabay ng pagpapalawak ng Korean culture, tourism at taekwondo.
“Congratulations, Fiel! You have made your family and the Philippines proud. Mabuhay ka, Fiel! May your journey continue to inspire young athletes to dream bigger, work harder, and never be afraid to take on new challenges,” ayon kay World Olympics Taekwondo Foundation Philippines Chairman Isagani Domingo.
Magdaraos naman ang Philippine Taekwondo Association (PTA) ng National Championships sa Hulyo 25 hanggang 26 sa Ninoy Aquino Stadium.
Target ng PTA na makatuklas ng mga mahuhusay na taekwondo jins na posibleng maging bahagi ng national team sa mga darating na taon.
- Latest




















