^

PSN Showbiz

Kathryn at James, ‘di pinilit ang kilig

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn at James, ‘di pinilit ang kilig
Kathryn Bernardo

Ang ganda ng unang dalawang episode ng Someone, Someday, ang comeback teleserye nina Kathryn Bernardo at James Reid.

Natural ang drama at excitement sa acting nila Jordan (James) at Billy (Kathryn), hindi pilit sa kani-kanilang role.

Mararamdaman mo talaga ang kilig at impact ng kwento na sa totoo lang ay hindi palasak ang tema.

Kahapon ay nagkaroon ito ng special screening para sa ilang member ng production at entertainment media.

Magaan ang kuwento nito pero puno ng puso ang mga eksena.

Ang ganda ni Kathryn, alam mong blooming, in love.

Ganundin si James, na parang hindi rin lumipas ang sampung taon na wala siyang teleserye.

More on kina Kathryn and James pa lang ang napanood naming maraming eksena at kay Dimples Romana. Ganundin si Daniela Stranner.

Papa-umpisa pa lang ang mga eksena ni Maja Salvador pero alam mong malaman ang ginagampanan niyang papel.

Bago ang role nila si Kathryn bilang dating app deve­loper habang si James ay best friend ni Billy (Kathryn) na makikita sa mga eksenang parati siyang ‘to the rescue’ sa lahat ng problema ng kaibigan. “I haven’t played a character like this. I’m so excited for everyone to see how Kath and I, and also Maja bring these characters to life,” banggit ni James sa naunang interview.

Matagal ding namahinga si James at tinutukan ang kanyang musika na aniya ay naging intrumento para mahanap niya ang sarili. “I needed that break to really just find myself. And music was my… it was like the instrument to be able to kind of find myself and I needed that creative outlet, you know. Who is James Reid when he is on TV? Who is James Reid when he is outside of acting? That was what I was trying to figure out,” diin ni James.

Importante ang role ni Maja : “Kaya nga gusto ko ‘yung role kasi complex siya, multi-dimensional and I think dito, mamahalin at kaiinisan siya ng mga viewers,” aniya sa solo presscon niya.

Naging maingat din siya na na magbigay ng masyadong maraming detalye tungkol sa kanyang karakter sa kuwento. “Nakakatuwa kasi, very important part siya sa istorya. Sabi nga sa akin, ‘pivotal’ nga daw and I agree. But, of course, hindi ko puwedeng sabihin kung bakit at paano. Panoorin n’yo na lang.”

Ang Someone, Someday ay pinagbibidahan din nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy de Leon,  at Migz Casimiro mula sa direksyon nina Chad Vidanes at Dolly Dulu.

Samantala, dahil inanunsyo na rin ng ABS-CBN ang bago nitong primetime lineup na mapapanood sa iba’t ibang platform simula Hulyo 27, sa pag-uumpisa ng Someone, Someday.

Pangungunahan ito ng patok na action-romance drama na Coco Martin’s Sigabo ng 8 PM, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.

Susundan ito ng inaabangang pagbabalik-teleserye nina Kathryn, James, at Maja pagdating ng 8:45 PM.

Mapapanood naman ng 9:30 PM ang romantic-thriller ng TV5 na  A Secret in Prague na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

Samantala, mapapanood na rin ng Kapamilya viewers ang book two ng inspirational drama ng TV5 na My Bespren Emman, na pinangungunahan nina JM De Guzman at Shaina Magdayao, tuwing hapon mula Lunes hanggang Sabado ng 2:30 PM.

Masusubaybayan ang tatlong primetime shows at ang  My Bespren Emman sa iba’t ibang platforms sa pamamagitan ng ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWant, at TFC.

Sa panahon ng pagbabago ng viewing habits, ang kolaborasyon ng industry players ay mahalaga para patuloy na mabigyan ang mas maraming viewers ng magagandang programa na nagpapakita ng husay ng Filipino talent at creatives.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with