^

Police Metro

Traffic enforcer nag-counterflow sa EDSA bus lane

Ludy Bermudo - Pang-masa
Traffic enforcer nag-counterflow sa EDSA bus lane
inabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na hindi tino-tolerate ng ahensiya ang mga ma­ling gawain ng sinuman sa tauhan nito. Hindi rin aniya tinatago ang mga maling gawain ng mga kawani ng ahensiya para hindi pamarisan.
Miguel De Guzman / The Philippine STAR

Virial video sa social media

MANILA, Philippines — Mismong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nag-post sa kanilang official Facebook page ng viral video na nagpapahiwatig na hindi itinatago ang pagkakamali ng isang MMDA traffic enforcer na nag-counterflow sa EDSA bus lane nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 18.

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na hindi tino-tolerate ng ahensiya ang mga ma­ling gawain ng sinuman sa tauhan nito. Hindi rin aniya tinatago ang mga maling gawain ng mga kawani ng ahensiya para hindi pamarisan.

Mahaharap aniya, sa multang P5,000 dahil sa paggamit sa bus lane at administrative sanction ang enforcer na si alyas “Jeffrey”.

Makikita sa video ang tila pagpipilit na isiniksik ng traffic enforcer ang kanyang motorsiklo na nagkataong hindi sila magkasya ng isang sasakyan na nagsasabi pa sa kanya na “hindi kasya ‘yan.. balik ka balik…bumalik ka ron, ikot ka ron” subalit hindi kaagad sinunod ang payo kundi pilit pa ring iginigilid ang motorsiklo nito.

Iginiit pa ng kasalubong na sasabit ang sasakyan niya kung ipipilit ng traffic enforcer na manatili, at sinabihan siya na mukhang nakainom ng alak.

Nabatid na nakarating na rin sa Land Transportation Office (LTO) ang ginawang paglabag ng traffic enforcer na ­inisyuhan na ng show cause order.

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with