Respondents sa obstruction of justice case itinangging tumanggap ng ‘payoff’
MANILA, Philippines — Ibinasura ng ilang respondent sa kasong obstruction of justice na may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang akusasyon na tumanggap sila ng “payoff” mula sa kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Sa halip, ibinalik nila ang akusasyon at sinabing ang kanilang mga nagreklamo (complainants) ang nagtangkang mangikil.
Sa mga counter-affidavit na inihain sa Department of Justice noong Hulyo 17, 2026 nina Cristy Ladao at Jocelyn Dela Cruz na mariin nilang itinanggi na tumanggap sila ng suhol kapalit ng pag-urong sa kanilang reklamo at iginiit nilang may ilang nagreklamo umano ang nagtangkang humingi ng malaking halaga kapalit ng pag-areglo sa kaso.
Ayon kina Ladao at Dela Cruz, sila mismo ang lumapit kay Atty. Caroline Cruz, abogado ni Ang, upang humingi ng gabay at suporta.
Iginiit nilang naganap ang mga pagpupulong noong Marso at Abril ay isinagawa sa kanilang kahilingan at walang nilagdaang kasunduan para i-drop ang kaso.
Itinanggi rin nila na ang tulong pinansyal na naibigay sa ilang pamilya ay isang “payoff,” at iginiit na ito ay boluntaryong tulong mula kay Atty. Cruz para sa kanilang gastusin.
Patuloy na itinatanggi ng kampo ni Ang ang anumang alok o pagbabayad kapalit ng pag-atras ng reklamo.
- Latest






















