^

PSN Showbiz

Kara David at Jusa, may tapatan sa Kusina

Pilipino Star Ngayon
Kara David at Jusa, may tapatan sa Kusina
Jusa at Kara David
STAR/ File

Ngayong Sabado (July 18), magkakasubukan ang pinakamaingay na tandem sa telebisyon dahil magtatapat si award-winning journalist Kara David at ang “Jusa ng Kagandahan” na si Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma sa Kusina Battle: Lakambukid Edition ng Pinas Sarap.

Sa two-part special ng Kusina Battle: Lakambukid Edition, anim na challenges ang kanilang paglalabanan sa isang farm sa Concepcion, Tarlac.

Sa part 1 ng Kusina Battle, tatlong challenges muna ang haharapin nina Kara at Joy. Una na riyan ang pag-harvest ng kamote at paghakot ng mga ani gamit ang tractor.

Para sa ikalawang round, lulusong sila sa putik para mamulot ng mga kamaru. Ang peste sa palayan na kamaru, masarap daw gawing adobo. Magustuhan kaya nina Kara at Joy ang adobong kamaru?

Bukod sa palay, may inaalagaan at pinararami ring kambing sa farm na ito. Masusubok ang bilis, diskarte at haba ng pasensiya nina Kara at Joy sa round 3, dahil kailangan nilang magpastol ng mga kambing at mapasunod ang mga ito sa kulungan.

At dahil extra challenge ang mga hamon nina Kara at Joy, ipatitikim daw sa kanila ng mga taga-Concepcion ang isa sa paborito nilang putahe, ang kalderetang kambing!

Sino ang magwawagi at mag-uuwi ng titulong  Ultimate Lakambukid? At sino naman ang susuko sa mabibigat na hamon sa bukid?

Abangan lahat ng ito sa unang bahagi ng Pinas Sarap’s Kusina Battle ngayong Sabado, 8:15 p.m. sa GTV!

KARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with