Awra, nagpapagaling pa ng ilong

Ang face and body enhancements ay hindi na bago among our showbiz personalities.
Ang pinakabagong nagpa-enhance sa kanyang ilong (rhinoplasty) ay walang iba kundi si Awra Briguela na nagsimula bilang child actor na si Mak-Mak sa action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbidahan ni Coco Martin. Siya rin ang winner sa unang season ng Philippine version ng Your Face Sounds Familiar (Kids Edition.
Si Coco bale ang unang nagbigay ng break sa showbiz kay Awra na isa ngayon sa mga anak-anakan ni Vice Ganda.
Proud si Awra sa kanyang skin color kaya siya nagpa-enhance ng kanyang ilong para magmukha umano siyang Latina. Bago ito ay nauna niyang ipinaayos ang kanyang ngipin na maganda na ngayon. “Matagal ko na talaga siyang gusto and feeling ko talaga, guys, ito na lang ‘yung kulang para maging sobrang Latina na ako,” sabi niyang tumatawa.
Kahapon ay nag-post na siya at aniya: “first time wearing makeup since surgery. Be kind to me, my face still has a lot of healing to do. Day 10 post-op.”
Pero kasabay ng operasyon niya ay ang pagkakadiskubre ng kanyang ina na meron pala itong karamdaman.
Edu at Irma, tuhog sa serye
Dala-dalawa ang tumatakbong primetime TV series na magkahiwalay na tinatampukan nina Edu Manzano at Irma Adlawan habang pareho silang magkasama sa action-drama series na Sigabo na pinagbibidahan ng long-time partners na sina Coco Martin at Julia Montes.
Kasama rin si Edu sa ongoing TV series ng TV5, ang A Secret in Prague na tinatampukan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes na mapapanood na rin sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN simula ngayong July 27, 2028 habang nasa cast naman si Irma sa papatapos nang serye ng ABS-CBN, ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan na pinagbibidahan naman ng rumored sweethearts na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ang nasabing serye ang papalitan ng A Secret in Prague produced ng TV5.
Hindi nawawalan ng proyekto sina Edu at Irma na parehong mahusay na aktor.
- Latest


























