STAR WORX artists, nasa Vibe+ na!

MANILA, Philippines — Mas bongga na Sabado ng TV5. Ito ay dahil binago ng TV5 ang kanilang weekend music at entertainment program mula Vibe, ginawang Vibe+, na maghahatid ng isang fresh era ng malalaking performances, exciting collaborations and elevated entertainment for Filipino viewers.
Marking the milestone is the “Most Vibe-tastic Party,” isang special celebration hindi lang para sa i-welcome ang bagong identity kundi para i-celebrate ang birthday ni Mr. Manny Pangilinan na nag-celebrate ng 80th birthday three days ago na may all-star lineup of OPM icons and rising talents.
At isa sa biggest highlights of the launch ay ang debut of STAR WORX on Vibe, isang bagong-bagong segment na nagbibigay-pansin sa susunod na henerasyon ng mga performer sa ilalim ng STAR WORX, ang talent arm ng TV5 na pinamumunuan ng mga beterano sa industriya, si Mr. Johnny Manahan.
Nagsisimula na ang kanilang TV performance debut – ang 16 na artista ng STAR WORX Block 1, na sumailalim sa ilang buwan ng masinsinang pagsasanay sa pagkanta, pagsayaw, pag-arte at overall performance development. Ang kanilang paglabas sa Vibe+ ay isa na namang mahalagang hakbang sa kanilang paglalakbay habang ipinapakita nila ang mga kasanayan at kakayahang umangkop na siyang bumubuo sa bagong breed ng mga artista.
Nakasama sa nasabing celebration ang OPM powerhouses na sina Poppert Bernadas, Bituin Escalante, Ronnie Liang, Sheryn Regis, and rock band Imago, making the Most Vibe-tastic Party a night filled with unforgettable music and world-class performances.
With its refreshed format and expanded entertainment lineup, Vibe+ promises to deliver more music, more talent discoveries, and more reasons for viewers to tune in every weekend.
Catch the launch of Vibe+ and the debut of STAR WORX on Vibe every Saturday at 6:00 p.m., airing on TV5, with simultaneous livestreams on the TV5 Facebook Page and YouTube Channel.
- Latest




















