^

PSN Opinyon

‘Soft clubbing’ nauuso sa Generation Y at Z

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nalalaos na ang nightclubbing. Sumagad na sa magdamagang inuman, yosi, sugal, at droga ang mga Baby Boomers, mga edad 70-80 na isinilang nu’ng 1946-1964. Sagad at nagiging senior age na rin ang mga Generation X, na isinilang nu’ng 1965-1980.

Nauuso ang “soft clubbing”. Ito ang bagong gimik ng mga Gen Y o Millennials, mga isinilang nu’ng 1981-1996. Ga­yun­din sa mga Gen Z, mga isinilang nu’ng 1997-2012.

Nakatuon ang soft clubbing sa sosyalan, kalusugan, at kaayusan. Iniiwasan ang alcohol, droga, at pagpupuyat. Si­ni­­­sikap ang pagtitipid at pag-iwas sa karangyaan. Importante ang pagsisimula at pagpapalalim ng mga relasyon. Walang away, puro lang saya.

Kadalasan nagsisimula ang soft clubbing bago mag­bu­kang-liwayway, alas-4 o 5 ng umaga. May disc jockey sa dance hall. Nagpapaupa ng murang ear pods batay sa nais na musika: K-pop, hiphop, rap. Tapos, kanya-kanya nang sayaw.

Masarap na kape lang ay talo-talo na. Sinasama ng mga Gen Y at  Z ang mga magulang, lolo o lola na Baby Boo­mers at Gen X. Siyempre, ang musika sa ear pods nila ay disco, jazz, rock, soul, Manila sound. Todo sayaw din ang matatanda.

Alas-7 o 8 nagwawakas ang soft clubbing. Kasunod ay munting almusal at shower. O kaya, diretso na sa eskuwela, shop, o opisina.

Tumaas ng 478% ang coffee clubbing, ayon sa Eventbrite, pandaigdigang platform ng mga nag-o-organisa at suma­sali sa concerts, parties, atbp happening. Tumindi rin ang sauna raves nang 256%, at morning dance parties ng 20%.

Iba na ang mundo dahil sa kabataan. Bago na ang kaugalian batay sa sitwasyon nila.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

GENERATION X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with