Pangulong Marcos biyaheng Singapore

MANILA, Philippines — Bibiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore simula ngayong araw, ?July 14-16 para sa working visit.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, bahagi ng pagbisita ang pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Singapore, na nakatakdang maging susunod na chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2027.
Kasama sa schedule ng Pangulo ang bilateral meeting kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong, kung saan inaasahang tatalakayin ang pagpapalawak ng kooperasyon sa trade and investment, environment at health, gayundin ang regional at global developments.
Inaasahan ding muling pagtitibayin ng dalawang bansa ang kanilang commitment sa ASEAN centrality at regional stability.
Makikibahagi rin aniya si Pangulong Marcos sa private roundtable discussion ng Milken Institute sa Philippine Embassy sa Singapore, kung saan makikipagpulong siya sa mga business leaders kasunod ng pagkilala sa Pilipinas bilang upper-middle-income country.
- Latest



















